Sobrang hirap daw pala… ARCI, UMAMING NAISIP NANG LAYASAN ANG SHOWBIZ
- BULGAR

- May 7, 2025
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | May 7, 2025
Photo: Arci Muñoz - IG
Guest ni Toni Gonzaga sa kanyang YouTube (YT) channel si Arci Muñoz.
Sa kanyang vlog ay nasabi ng aktres na alam niya kung ano ang gusto niya sa sarili nu’ng bata pa siya.
Nagbigay din siya ng detalye hinggil sa facial accident at ang relasyon niya sa God.
Ayon sa aktres, nu’ng kabataan niya ay gusto na niyang maging rockstar unlike ng kanyang mga kaedaran na ang type ng music ay mga pop.
Nang pumasok sa showbiz si Arci, tanong ni Toni, paano niya naha-handle ang pagiging rockstar? Nagka-conflict daw ba?
Aniya, “No, hindi naman nagkaproblema as long as gusto ko ang ginagawa ko. I never complained kasi gusto ko, eh.”
Pero ru’n niya raw nakita kung gaano kahirap din ang mag-artista.
Pahayag pa niya, “Grabe pala ‘pag artista ka na kasi kahit sa wake ng papa ko, kailangang pumunta ka, para ka kasing may commitment. So aalis ka kahit nasa wake ka. May time na wala na akong tulog. After kasi ng work, bumabalik ako sa wake. Grabe pala ang risk ng trabahong pinasok ko.”
So, doon siya mas nahirapan?
Kuwento niya, “Naisip ko na ring mag-quit noon, pero napamahal na rin sa ‘kin ang work ko. In-embrace ko na s’ya at gusto ko ang ginagawa ko at I really love acting. But everything goes with it, sometimes it’s hard to swallow.”
Papaano naman niya hina-handle ang mga issues, judgment, controversies sa industry?
Sey niya, “Ako, ang lagi ko lang iniisip, Ate (Toni), ay ang opinion ng family ko. Only theirs matter in my life—‘yun lang ang iniintindi ko and God is around me. But outside, hindi na ‘yun magma-matter sa akin… bakit sino ba sila? Parang ako, wala kang karapatan to judge me. Mga pamilya ko nga, hindi ako dyina-judge. I learned to accept that it’s a part of my job, then nasa sa akin lang kung magpapaapekto ako.”
Ayon pa kay Toni, ang isa sa mga kontrobersiya na ibinabato kay Arci ay ang kanyang physical appearance.
Ani ng aktres, kung ano man daw ang mangyari sa kanya ay ang verdict naman nu’n ay sa kanya mapupunta.
Diin niya, “Ano ba’ng pakialam n’yo?”
Ani Toni, “Gumaganu'n ka… Ano paki n’yo?”
Natanong din ni Toni nang maaksidente sa isang gig ang aktres.
Paliwanag niya, “Yeah, that’s true. Sa gig namin naghe-headbang ako... Headbang-headbang. Pag-ikot ko, ‘yung mic, pumalo sa mukha ko. Ang lakas kaya nagkaroon ako ng stitches sa part ng mukha ko.”
Ang komento naman ng netizens sa paliwanag ng aktres:
“Facial accident, Hahaha! you cannot fool us.”
“Arci, ikaw man ay retokada ngunit puso mo ay busilak at dalisay. One of the artists I admire.”
“The humility and openness of this conversation makes this heartfelt.”
“I love Ms. Arci. Totoo s’yang tao, wala s’yang paki sa mga basher, gagawin n’ya kung ano ang magpapasaya sa kanya... strong woman.”
Pinasalamatan naman ng mga netizens si Toni sa interview nito kay Arci.
“Thank you, Miss Toni sa pag-invite kay Miss Arci. One of the most humble and unbothered actresses, saka hindi pumapatol sa basher. I can say mabuti s’yang anak kasi lagi niyang isinasama parents sa vacation, lalo ang mama niya.”
“We love you, Arci, no one can ever judge you for your choices in life.”
Nagtampo raw sa ninong ng anak… KARLA, PINRANGKA SI OGIE NA PINAGKAKITAAN SI DANIEL
Guest kamakailan si Mother Queen Karla Estrada sa YouTube vlog ng batikang manunulat/TV host/talent manager na si Ogie Diaz.
Sa one-on-one interview nila, inamin ni Karla na minsan siyang nainis sa entertainment columnist na si Papa Ogs dahil sa paraan ng pagtalakay nito sa mga isyu ng anak niyang si Daniel Padilla.
Hindi niya itinanggi nang tanungin siya ni Ogie kung nagalit ba siya rito.
Ani Karla, “Of course! Siyempre, may mga salitang hindi nakakatuwa. Pero mas malawak ang pang-unawa ko, eh... ipinagkatiwala ko sa ‘yo ang anak ko na maging ninong.”
Pero nilinaw ni Karla na mas pinipili niyang unahin ang kanilang pagkakaibigan kaysa sa tampo o sama ng loob.
Aniya, normal lang ang mga tampuhan pero hindi siya naniniwala sa mababaw na ugnayan.
“Hindi ako naniniwala sa mababaw na pagkakaibigan... kapag nagkikita tayo, lagi tayong nagtatawanan,” dagdag pa niya.
Sa gitna ng kanilang pag-uusap, biniro pa ni Karla si Ogie ng, “Infernes, ‘yung buong pangyayaring iyon, naka-magkano ka sa content mo?” na ikinatawa ng dalawa.






Comments