Smugglers tuloy pa rin ang raket sa Customs
- BULGAR
- Aug 13, 2023
- 2 min read
ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | August 13, 2023
BAKIT DEDMA LANG SI VP SARA SA HARASSMENT NG CHINA SA PCG --Napakainit ng isyu ngayon tungkol sa pagkanyon ng tubig ng warship ng Chinese Coast Guard (CCG) sa maliit na motor boat ng Philippine Coast Guard (PCG) na maghahatid ng supply na pagkain at inumin sa mga Pinoy soldier na nakabantay sa nakadaong na BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal na sakop ng West Philippine Sea (WPS).
Binatikos ng mga Pinoy at ng ibang bansa ang ginawang ito ng China, pero may isang tahimik lang sa isyung ito at siya ay si Vice Pres. at Dept. of Education (DepEd) Sec. Sara Duterte-Carpio, na anak ni ex-P-Duterte.
May kinalaman kaya ang pagiging pro-China ni ex-P-Duterte kung kaya’t dedma lang si VP Sara sa ginagawang harassment ng China sa PCG troops at mga mangingisdang Pinoy sa WPS?
Boom!
◘◘◘
MAG-IINANG SMUGGLER, TULOY ANG RAKET SA CUSTOMS -- Tuloy pa rin daw ang raket na plastic resins smuggling ng mag-iinang "Tina U," "Bebang" at "Gerry" sa Customs.
Kailan kaya ipapa-"tokhang" ni Comm. Bienvenido Rubio ang mag-iinang smuggler na ito?
Abangan!
◘◘◘
‘BOY ROLEX’ NAGPAPAKOLEKTA RAW NG ‘TARA’ SA CUSTOMS -- Isang “Boy Rolex” daw ang nagpapakolekta ng “tara” sa mga smuggler sa Bureau of Customs (BOC).
Kung totoo ito, aba, hanggang ngayon pala uso pa rin ang “tara” system sa Customs, buset!
◘◘◘
MGA KUBRADOR SA LOTTENG NI ‘ONIE’ SA LAS PIÑAS, MGA DRUG PUSHER DIN -- Ang mga kubrador daw ni “Onie” sa kanyang raket na lotteng ay mga drug pusher din daw ng shabu sa Las Piñas City.
O, ano Mayor Mel Agular at Southern Police District (SPD) Director, Gen. Roderick Mariano, "nganga" na lang ba kayo sa raket ni "Onie"? Aba, aksyon na, ipa-"tokhang" n’yo na ang ilegalistang ito, dali!
Comments