Smuggled umanong puting sibuyas, nasabat sa Divisoria — BPI
- BULGAR
- Dec 3, 2022
- 1 min read
ni Lolet Abania | December 3, 2022

Nakasabat ang mga awtoridad ng sako-sako ng puting sibuyas sa Divisoria sa Manila, kung saan ipinuslit umano ang mga ito sa bansa.
Batay sa ulat ng GMA News, sinabi ng Bureau of Plant Industry (BPI) na ang mga naturang sibuyas o onions ay walang phytosanitary permit.
Paliwanag naman ng BPI, ang na-produce na mga sibuyas na walang phytosanitary permit ay maaaring hindi ligtas para kainin dahil posibleng naglalaman ito ng partikular na mga chemicals.
Ang mga nakumpiskang sibuyas ay dinala na sa warehouse ng BPI para sa gagawing inventory. Habang tatadtarin ang mga sibuyas saka ito gagawing i-compost.
Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.








Comments