SMNI, may karagdagang 28 araw na suspensyon

ni Eli San Miguel - Trainee @News | January 26, 2024

Nagbigay ng karagdagang 28 na araw ng suspensiyon ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa mga palabas ng Sonshine Media Network International (SMNI) matapos tanggihan ng 'television censors' ang kanilang mga mosyon para sa muling pagsusuri ng naunang mga hatol.
“The MTRCB concluded that they merely reiterated points already raised in the position papers submitted earlier,” pahayag ng board ngayong Biyernes.
“As such, the MTRCB has decided to deny both MRs,” dagdag nito.
Noong Disyembre 18, 2023, naglabas ang MTRCB ng 14-day preventive suspension laban sa mga palabas ng SMNI na "Gikan sa Masa, Para sa Masa" at "Laban Kasama ang Bayan."
Umapela naman ang SMNI sa utos noong Enero 11.





Comments