top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

SMNI, MAGPAPALABAS NA NG CHINESE-SERYE SA 'PINAS

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 20, 2023
2 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | March 20, 2023




O, 'di ba, kahit ang kilalang religious network na Sunshine Media Network International o SMNI ay sasabak na rin sa pagpapalabas ng teleserye!


After ngang makilala ng mga ordinaryong Pinoy ang SMNI dahil sa mahusay nitong pag-handle ng mga debate last presidential elections, hindi na lang ito basta news channel ngayon. Pinasok na rin nito ang paggawa ng ilang shows gaya ng public affairs show, talk show at ito ngang ilo-launch nila, ang Chinese-serye na Papa, Nasa’n Ka? ngayong March 21 at 8:00-9:00 PM.


Actually, ang kilalang Regent Foods sa pamumuno ng pamilya See ang nagdala, nagprodyus ng tagalized version at mamumuhunan sa mga kilalang Chinese-serye na top rating sa China, Indonesia at Malaysia thru SMNI.


Ang matagal nang friendship sa kontrobersiyal na may-ari ng SMNI na si Pastor Apollo Quiboloy ang naging susi at daan upang sa naturang network nila ito ipalabas.


Ayon sa pakikipag-usap namin kay Mr. See, nakuha niya ang rights ng 38-episode teleserye at mga professional dubbers sa pangunguna ni Jojo Galvez, anak ng beteranong radio talent na si Joey Galvez.


Very relatable ang Pinoy na Pinoy na kuwento tungkol sa magkapatid na bata na naulila sa ina at hinahanap ang ama nilang nag-iisang anak naman ng isang napakayamang angkan.


Tutol ang mga magulang ng tatay nila sa namatay nilang ina, kaya’t ipinakasal ito sa kauri nila at du'n nga nagsimula ang kalbaryo ng magkapatid.


Pilot episode pa lang ang napanood namin pero hitik na ito sa drama at nakakaantig-pusong mga eksena. Bongga rin ang theme song ng serye na ginawa at inawit ng homegrown talents ng SMNI.


Naku, nakaka-excite ang teleseryeng ito dahil bukod sa TV, mapapakinggan din ito sa lahat ng radio affiliates ng SMNI, here sa 'Pinas and abroad.


“May tiwala po kami sa audience namin. We are not here to compete but to offer an alternative TV viewing,” sey ng isang SMNI executive.


Bakit nga hindi naman Chinese-serye for a change, 'di ba, mga Ka-BULGAR?


Kaya simula ngayong March 21, sabay-sabay nating itanong, “Papa, nasa’n ka?”



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page