SM Aura Premier outdoor pop-up salon
- BULGAR
- Oct 4, 2021
- 1 min read
Updated: Oct 4, 2021
ni Fely Ng - @Bulgarific | October 04, 2021

Hello, Bulgarians! Habang ang mga bagong alituntunin o guideline ay inilabas, na pinapayagan ang mga salon at barbershop na magbukas sa limitadong kapasidad at eksklusibo para sa mga fully-vaccinated na mga tagatangkilik. Lumikha ang SM Aura Premier ng outdoor pop-up salon upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga naghihintay na makumpleto ang kanilang pagbabakuna. Sa pakikipagtulungan ng Bruno's Barbers, ang open-air set up, na tinawag na Patio Parlor ay handa ng tumanggap ng mga kostumer, ito ay matatagpuan sa mall’s Skypark Level 5 malapit sa Fitness First.

Kinakailangan ang appointment at maaaring gawin sa Bruno's Barbers online sa pamamagitan ng tinyurl.com/brunos-booking o di kaya’y tumawag sa (02) 8856-0705 at +63 (977) 815-7786.
Para sa karagdagang impormasyon sa Patio Parlor at iba pang mga tampok sa sa SM Aura Premier, bisitahin ang @SMAuraPremier sa Facebook at Instagram
Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.





Comments