top of page
Search
  • BULGAR

Slaughter at Simon, agaw eksena sa MPBL

ni Rey Joble @Sports | May 26, 2024


Photo
File photo: Greg Slaughter - Peter June Simon

Nagpakitang-gilas ang mga dating PBA stars na sina Greg Slaughter at PJ Simon para tulungan ang kani-kanilang koponan sa MPBL Sixth Season nitong Biyernes ng hatinggabi sa Alonte Sports Center sa BiñanLaguna. 

  

Sa kanyang unang salang sa paglalaro mula ng huling masilayan ng mga PBA fans noong 2021 habang naglalaro sa NorthPort, pinatunayan ng seven-foot center na si Slaughter na kaya niyang dominahin ang MPBL at kamakailan lamang, binuhat niya ang kampanya ng Manila at talunin ang home team na Biñan, 79-63.


Tumapos ang 4-time PBA champion na si Slaughter ng 12 puntos at 8 rebounds at magsilbing babala sa malalaking players ng liga. Sa pagsali ni Slaughter sa koponan ng Stars, nagawang maiposte ng Manila ang kanilang ika-anim na panalo sa 10 laro pero ang mas importante, nagawa nilang dungisan ang dating malinis na kartada ng Tatak Gel na may tangan na ngayong 6-1 na record.


Nagbabalik-Pinas si Slaughter matapos ang nakalipas na dalawang taong paglalaro sa Japan B. League kung saan giniyahan niya ang Rizing Zephyr Fukuoka, na kasalukuyang kasali sa  second division ng liga.


Gaya ni Slaughter, malaki rin ang naging impluwensiya ni Simon, miyembro ng 2014 grand slam champion team na San Mig Coffee, sa kanyang kasalukuyang koponan na Davao Occidental Tigers, na naikubra ang 64-62 na panalo kontra Pangasinan Heatwaves.


Nagretiro si Simon kasabay ni Marc Pingris noong kasagsagan ng bubble tournament sa PBA apat na taon na ang nakararaan. Noong araw ng Pasko ng 2021, magkasabay na iniretiro ng dating Purefoods franchise ang mga jerseys nina Simon at Pingris, pero tiwula wala pa ring makakapigil sa paglalaro ng dalawang premyadong players na ito kung saan nakahanap sila ng mga koponan sa MPBL.



0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page