top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Sky Shot at Super Shelltex wagi sa Hopeful at 3-YO

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 1, 2020
1 min read

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | November 01, 2020



Itinanghal na kampeon ang Sky Shot sa ikalawang yugto ng Hopeful Stakes Race at Super Shelltex sa 3 YO Locally Bred Stakes Race na ginanap sa Santa Ana Leisure Park, Naic, Cavite kahapon.

Unang nagharap ang mga kalahok sa 2nd Leg Hopeful Stakes Race at napanalunan ng Sky Shot. Ang Sky Shot ay naorasan sa bilis na 1:50.6 sa distansiyang 1,800 meters upang hablutin ang unang premyo na P600,000 habang pumangalawa ang Bourne Leader na nagkamit ng P225,000. Pumangatlo ang Calbayog at dumating na pang-apat ang Exponential.

Sa umpisa ng karera agad kinuha ng Calbayog ang unahan habang pangalawa ang Sky Shot at ang Zenaida at Boune Leader.

Naging mainit ang laban ng mga kalahok na Sky Shot na kasunod ang dehadong Boune Leader. Pagdating sa huling likuan nauuna pa rin ang Sky Shot at lumayo pa ng may limang kabayo sa mga kalaban.

Pagsapit sa finish line tinapos ng Sky Shot habang nakabuntot ang Bourne Leader,Calbayog at Exponential.

Samantala nagwagi ang Super Shelltex sa 3 YO Locally Bred Stakes Race sa race 7 habang pumangalawa ang Radio Gaga. Sa umpisa ng karera agad na kinuha ang unahan ng radio Gaga habang nakabuntot ang Parokya ni Paolo at Super Shelltex.

Pagsapit sa huling likuan nangunguna pa rin ang Radio Gaga habang nakabuntot ang Super Shelltex. Ngunit pagsapit sa huling 50 meters nilampasan ang Radio Gaga ng Super Shelltex para tapusin ang laban.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page