top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Sky Candy hindi binigo ang liyamadista

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 21, 2022
2 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | January 21, 2022


Sasalang ulit sa pista si dating Presidential Gold Cup champion Pangalusian Island para harapin ang pitong matutulin na kabayo sa magaganap na Condition Race Merged (10) na ilalarga ngayong araw sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.


Susubukan ulit ni Pangalusian Island na tumakbo sa maigsing distansya kaya naman nasa 50 porsiyento ang tsansa nitong manalo.


Gagabayan ni jockey AR Villegas, mapapalaban si Pangalusian Island sa mga tigasing kabayo sa distansyang 1,400 meter race.


Kilalang malupit sa mahahabang distansya si Pangalusian Island, nasilayan na ito ng mga karerista noong manalo sa PGC noong 2020.


Makakatagisan ng bilis ni Pangalusian Island sina Magtotobetsky, Kid Baloloy, The Accountant, Point Of Interest, Goldsmith, Doc Boy at American Factor.


Ayon sa ibang mga karerista, posibleng maging mahigpit na kalaban ni Pangalusian Island sina Doc Boy at Magtotobetsky. "Palagay ko tine-train si Pangalusian Island sa maiksing karera, maganda 'yan," saad ni Celso Duremdez, karerista.


Isa rin sa aabangan ng mga karerista ay ang bakbakan ng 10 kabayo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na pakakawalan sa pangatlong karera.


Inaasahang pahirapan ang mga karerista sa pagpili ng kanilang tatayaan dahil lahat ng mga kasali ay malaki ang tsansang manalo.


Posibleng magdomina sa bentahan ang mga kalahok na sina Nounpareil na sasakyan ni JA Pastoral, Medaglia D' Amor sa rerendahan ni JPA Guce at Yana's Dance na papatungan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey-of-the-Year awardee Jonathan Hernandez.


Ang ibang kalahok sa karera na may P25,000 added prize na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta ay sina Case Bell, Under Pressure, Miss Marshall, Gethsemanesmiracle, Noir, Lord Luis at Queen Margaux.


Nakalaan naman ang karagdagang premyo na P5,000 sa winning horse owner, 1,400 meter ang karera.


Samantala, pitong balanseng karera ang inihanda ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI) ngayong araw ng Huwebes, suportado ito ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page