Skateboard kid Alegado may 2 golds sa Czech Republic
- BULGAR

- 1 day ago
- 1 min read
by Gerard Arce @Sports News | July 6, 2026

Nagpamalas muli ng ‘golden run’ ang skateboard kid wonder na si Mazel Paris Alegado matapos kumubra ng dobleng ginto sa magkahiwalay na event sa 2026 Prague Mystic Sk8 Cup na ginanap sa Mystic Skatepark, Stvanice, Prague 7 sa Czech Republic.
Rumehistro ang 12-anyos na 33rd SEAG champion ng kabuuang 79.67 puntos sa Ladies Bowl at 83.67 sa finals ng women’s vertical upang higitan ang iba’t ibang katunggali at sundan ang tagumpay na ginawa sa Bangkok, Thailand noong Disyembre 2025.
Dinaig ng Fontana-based skater, na nagsimulang hasain ang husay sa edad 5 sina Nahia Castro ng Spain na tumapos sa 78.00 at ni Norwegian Maja Spatscheck sa 69.00 sa Ladies Bowl. Kinapos ang hometown bet na si Teresa Havlikova sa 4th place sa 65.33.
Nanatiling sumegunda si Castro sa Pinay prodigy sa Ladies Vert sa 80.00, habang 3rd place si Lilly Strachansa 78.00.
Minsang nagkuwalipika sa women’s park finals ng 19th Asian Games sa Hangzhou, China si Alegado sa edad na 9, kung saan naging pinakabatang miyembro ng Philippine national team na tumapos ng 7th place sa iskor na 52.85.
Itinuturing na pinakabatang Filipina na nagwagi ng gintong medalya sa Bangkok biennial meet sa edad na 11 sa women’s extreme skateboard park sa Thailand. Dinaig ang kababayang si Elizabeth Amador sa finals.





Comments