top of page
Gary V. - IG.jpg

SK, galaw-galaw kontra droga, malnutrition at aids

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 12, 2023
1 min read

@Editorial | December 12, 2023


Magdadalawang buwan na simula nang matapos ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). 

 

Sa kasalukuyan ay ginagampanan naman nila ang kanilang mga trabaho upang mapabuti ang kanilang komunidad na nasasakupan.

 

Ngunit para kay DILG Sec. Benjamin Abalos, Jr., panahon na upang isabak naman ang SK leaders laban sa illegal drugs, malnutrition, AIDS at iba pang problema sa bansa.

 

 

Ito umano ay para maging katuwang sila ng pamahalaan sa pagsugpo ng mga suliranin sa bansa na kinasasangkutan ng mga kabataan.

 

Aniya, dapat makitaan ang mga SK leader ng kanilang prayoridad na makatulong sa nation building.

 

Dapat din umanong isama ng SK leaders sa kanilang prayoridad sa Local Youth Development Plans (LYDP) ang anti-illegal drug program ng DILG na  Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) program.

 

Naniniwala kasi ang Kalihim na ang mga kabataan mismo ang makakatulong sa kapwa nila kabataan na umiwas sa maruruming gawain.

 

Maaari rin namang makipag-ugnayan ang mga SK leader sa LGUs para sa feeding program kontra malnutrition, habang sa HIV/AIDS ay puwede silang lumapit sa coordinating councils.

 

Kaya importante na hindi lang dapat sa pa-liga o beauty contest nakapokus ang mga SK leader, mas mainam kung tututukan ang mga kriminalidad sa bawat barangay at tulungan ang mga nangangailangan para sa mas maayos at mapayapang komunidad.

 

Maaari ring gumawa ng mga programa na makakatulong sa mga kabataan na makaiwas sa masasamang gawain.

 

Panawagan sa mga SK leader, maging mabuting modelo sa mga kabataan at ‘wag nang dumagdag pa sa mga pasaway.

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page