top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Sir Williams nanalo sa PitMaster Trophy

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 13, 2023
  • 1 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | October 13, 2023


Walang nakadikit sa tulin ni Sir Williams kaya naman magaan nitong inangkin ang panalo sa PitMaster Trophy Race (KDJM Special) na inilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City sa Batangas noong Linggo ng hapon.


Ginabayan ni jockey BJB Galleta, inirehistro ni Sir William ang tiyempong 1:41.2 minuto sa 1,600 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si FR Sevilla ang P300,000 premyo na inisponsoran ng PitMaster Foundation Inc.


Dumating na segundo si Golden Sunrise na nagsubi ng P112,500, pangatlo si Lake Balinsasayao na kumopo ng P62,500 habang pang-apat si Portsalt na nag-uwi ng P25,000.


Nagwaging dehado si Sir William na anak nina Silver City at Optical Zoom, tinalo nito ang liyamadong si Lake Balinsasayao na ginabayan ni class A rider Kelvin Abobo.


Parang sibat na lumabas ng aparato si Sir William kaya hinawakan agad nito ang apat na kabayong bentahe sa pumapangalawang si Top Grosser.


Naging matatag sa unahan si Sir William kaya naman hindi nakadikit si Top Grosser hanggang sa umabot ng huling kurbada sa event na suportado ng PitMaster Foundation, KDJM at PHILRACOM ni Chairman Reli de Leon.


Kumpulan ang mga kabayong humahabol kay Sir William sa rektahan pero may lakas pang natitira ang winning horse kaya tinawid nito ang meta ng may dalawang kabayo ang agwat kay Golden Sunrise.


Dahil sa impresibong panalo, inaasahang ihahanda si Sir William sa malaking stakes race at komento ng mga karerista ay posibleng makasilat muli siya sa susunod na takbo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page