top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Sino ang pakikinggan ni BBM sa Romualdez vs. Chavit sa Bgy. at SK elections?

BULGAR
May 22, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | May 22, 2022


HIRIT NI ROMUALDEZ NA POSTPONEMENT NG BGY. AT SK ELECTIONS KINONTRA NI CHAVIT – Kinontra ni LMP (League of Municipalities of the Philippines) Pres. Mayor Chavit Singson ang kagustuhan ni Rep. Martin Romualdez na i-postpone uli ang nakatakdang Barangay at SK (Sangguniang Kabataan) Elections sa Disyembre dahil ayon kay Chavit ay hindi maganda na walang eleksyon, at dapat na raw mawala sa puwesto ang mga hindi na nararapat sa posisyon at manatili sa puwesto ang mga magagaling na barangay officials.


Si Romualdez ay pinsan ni incoming Pres. Bongbong Marcos at si Chavit ay kaibigan ni BBM.


Kaya't ang tanong, sino kaya kina Romualdez at Chavit ang pakikinggan ni BBM? Abangan!


◘◘◘


MGA KAPITAN PALA HUMIRIT KAY ROMUALDEZ NA MAGKAPIT-TUKO PA SILA SA PUWESTO – Ayon kay Romualdez, mga kapitan daw na miyembro ng Liga ng mga Barangay ang may kagustuhan na ipagpaliban ang halalan, kaya't sa pagbubukas daw ng Kongreso ay isusulong agad nila na i-postpone uli ang Barangay at SK Elections.


Ganun? Aba’y para pala kay Romualdez ay dapat pakinggan ang boses ng mga kapitan na magkapit-tuko pa sila sa puwesto kaya't aalisan na ng Kongreso ng karapatan ang mga mamamayan sa mga barangay na makapamili ng mga gusto nilang mamuno sa kanilang mga barangay, pwe!


◘◘◘


SA MGA RESIDENTE KAYA NG BARANGAY MAPUNTA ANG P8B O SA BULSA NG MGA BUWAYA SA PAMAHALAAN? – Isa pa sa ipinupunto ni Romualdez ay makakatipid daw ng higit P8 bilyon ang BBM government kapag pinostpone ang Barangay at SK Elections, at ang pera raw na ito ng bayan ay puwedeng maipandagdag sa stimulus package na pambigay ayuda sa mga residente ng barangay na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Eh ang tanong, sa mga taga-barangay nga kaya mapunta ang perang 'yan ng bayan, o sa mga buwaya sa pamahalaan? Boom!


◘◘◘


KAPAG KAGUSTUHAN NI ROMUALDEZ ANG NASUNOD MANANATILI PA RIN SA PUWESTO ANG MGA ABUSADO AT BUWAYA SA BARANGAY – Sa social media ay mas maraming netizens ang pumanig kay Chavit na ang gusto ay may Barangay at SK Elections, kaysa kay Martin na ang gusto ay i-postpone ang halalang pambarangay.


Ibig sabihin, mas gusto ng mamamayan na may Barangay at SK Elections dahil nais na nilang matanggal sa puwesto ang mga kapitan at kagawad na abusado at korup, lalo na 'yung mga nangulimbat sa pera ng bayan na pang-ayuda sa kanilang mga kabarangay.


Kung ang kagustuhan ni Romualdez ang masusunod na ma-postpone ang halalang pambarangay, mananatili pa rin sa posisyon ang mga abusado at mga buwayang barangay officials, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page