Sinibak sa Customs dahil korup, rumesbak bilang mataas na opisyal sa DTI, oh, ha?!
- BULGAR

- Sep 29, 2020
- 2 min read
ni Chit Luna - @Yari Ka! | September 29, 2020
Sinibak dahil napatunayang korup na opisyal ng pamahalaan, pero muling itinalaga sa sensitibong posisyon sa Department of Trade and Industry (DTI), ‘yan ang ganap ng ating bida ngayon.
“Alyssa Pera-dente”, na dating hawak ang isa sa mataas na puwesto sa Bureau of Custom, ‘yan ang ‘bandage’ sa kanya.
Noong 2018 ay inimbestigahan siya ng Kongreso dahil sa kinasangkutan nitong korupsiyon sa Customs. Ang akusasyon ay ang pagpapalabas niya ng mga illegal container sa Customs.
At nang napatunayang illegal ang ginagawa ng ating bida, walang nagawa si ‘Bossing’, kundi ang sibakin siya.
‘Yun nga lang, makaraang lumamig ang isyu, hero na naman ang walanghiya!
Well, itinalaga lang naman siya bilang isa sa mga may ‘high official’ sa DTI pangunahing katungkulan niya ang pamamahala ng ‘juicy project’ na attached agency ng DTI.
Pero ang tanong ng mga utaw, bakit hinayaan ito ng kalihim ng DTI?
Anila, ito ay dahil mas kailangan ng bansa ngayon ang isang taong mapagkakatiwalaan para makatulong sa industriya na hinahagupit ng pandemya. Weh, ‘di nga?!
Ganu’n? Sa halip na isang nilalang na puwedeng maging sandigan ng naghihikahos na ekonomiya ng bansa, “recycled appointee” talaga ang itinalaga? Huwaaaw!
Wala na bang makuhang matino, ‘yung walang bahid ng kawalanghiyaan? Bagyo ba talaga ang kapalmuks nating bida kaya kahit buking na sa kalokohan ay pinagkatiwalaan pa rin ito ng ‘sensitibong posisyon’? Aba, mahirap na’t baka pagkaperahan lang niya ‘yan, hindi naman sa panghuhusga pero parang ganu’n na nga. Ha-ha-ha!
Ang sa atin lang, sa halip na sa ‘napatunayang korup’, bakit hindi na lamang ang mga next in line na nasa ilalim ng civil service commission category ang bigyan nila ng chance?
FYI, basura lang dapat ang nire-recycle, hindi opisyal ng pamahalaan. Ay, teka, basura rin pala ang mga korup na opisyal. Oops!








Comments