Singsing nila, nakalimutan ni Dennis sa wedding day… “DAHIL BA BUNTIS AKO KAYA PAPAKASALAN?” — JENNYLYN
- BULGAR
- Feb 18
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | Feb. 18, 2025
Photo: Jennylyn Mercado - IG
May nakatutuwa palang experience si Jennylyn Mercado nu’ng araw ng kasal nila ni Dennis Trillo.
Naikuwento ng aktres sa programang Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), kung saan guest silang mag-asawa, “Noong time na ‘yung wedding namin, naiwan n’ya ‘yung singsing, so, buwisit na buwisit ako. S’yempre, ‘yung hormones ng pregnant woman, talagang galit ako,” habang natatawa.
“Pero ‘yung bahay po namin, malapit lang, mga five minutes away. Nakalimutan ko pa rin,” saad naman ni Dennis.
Esplika naman ni Jen, “Sinabihan ko s’ya, na sobrang specific ng instruction ko, ‘Kunin mo ‘yung ring, nandito sa bag ko, eto ‘yung color ng box.’”
May palusot naman ang actor, “Dalawa po ‘yung box, ‘yung isa, walang laman. ‘Yun ‘yung nakuha ko, ‘yun ‘yung nadampot ko.”
“Ang sabi ko sa kanya, ‘Paano kung sa Tagaytay tayo ikinasal? Paano mo kukunin sa Quezon City?’”
May pagdududa pa nga raw na pumasok sa isip niya, “Dahil ba buntis ako kaya papakasalan?”
Agad namang pinakalma ni Dennis ang kanyang misis, “Pero ang totoo, Tito Boy, may singsing man o wala, kaya pa rin... Kahit na alambre lang ‘yan na mapulot mo kung saan, simbolo lang ‘yan ng pagmamahal na ibibigay ko sa kanya.”
Na-amuse naman ang King of Talk sa wedding story ng celebrity couple.
“Dennis, nakalimutan mo pa rin,” biro ni Kuya Boy.
Pag-amin pa ni Jennylyn, hindi maalis sa kanya ang inis habang sila ay naglalakad na sa aisle.
“At least unforgettable ‘yung experience. Hindi ‘yung pangkaraniwan na perfect,” say naman ni Dennis.
The real moment of truth came when the priest asked for the rings.
“Nandoon na kami. Hinihingi na ni Father 'yung singsing. ‘Nasaan ‘yung ring?’ Tapos ibinigay ‘yung box, walang laman,” alaala ni Jennylyn.
Namumutlang kumpisal ni Dennis na naiwan niya ang singsing.
Agad naman daw na bumalik ang kanilang driver para kuhanin ang singsing na naiwan sa bahay.
Despite sa nangyari sa kanilang kasal, natatawa na lang ang mag-asawa at tinatawanan ang nangyari.
Ikinasal ang couple nu’ng 2021 at dumating si Baby Dylan noong May 2022.
Super Latina look…
ANDREA, KYLIE JENNER DAW NG ‘PINAS
May bagong post si Andrea Brillantes sa kanyang Instagram (IG) Stories. Aniya, “Definitely my definition of ‘sobrang Latina look.’”
Isang nakakabighaning Latina look ang ifinlex ng aktres na sadya namang napakaganda.
Ang komento nga ng mga netizens:
“Super-ganda talaga ni Andrea kahit ano’ng gawin sa mukha at ayos ng buhok, lumalabas pa rin ang ganda, grabe.”
“Kahit ano’ng gawin sa mukha, literal na face card never decline.”
“Super Latina.”
“Kylie Jenner ng Pilipinas.”
Napamura naman ang netizen sa ganda ni Blythe, “Tang*** in*** face card ‘yan.”
Dahil sa hypothyroidism…
CASSY, PUMAYAT NA NG 30 LBS.
ANG laki ng ipinagbago ng katawan ni Cassy Legaspi, pumayat na siya at sumeksi.
Ang sikreto umano ng anak nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi ay ang pagbabago niya ng lifestyle.
Successful ang kanyang health and fitness journey matapos mabawasan ng timbang.
Ibinulgar ng Kapuso actress ang resulta ng ginagawa niyang pagpapapayat ngayon sa mga larawang ibinahagi niya sa kanyang social media account.
Blooming nga ang unica hija ng mag-asawang Zoren at Carmina kung saan napaka-confident na niya sa sarili.
Confident nga niyang ipinangangalandakan, “I lost 30 pounds. Grabe ‘yung 30 pounds na ‘yan.”
Sey ng Kapuso star, kinailangan daw talaga niyang magbawas ng timbang dahil sa pagkakaroon ng hypothyroidism na nakaapekto sa kanyang overall health.
Kinakarir na raw niya ngayon ang pag-aalaga sa kanyang kalusugan at pagdisiplina pagdating sa eating habits.
Sa pagpayat ni Cassy Legaspi, lalong lumabas ang angkin niyang ganda.
Comments