top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Single ticketing, maging epektib sana kontra kotong

Writer: BULGAR
BULGAR
May 3, 2023
1 min read

@Editorial | May 3, 2023


Umarangkada na kahapon ang pilot run ng single ticketing system sa pitong lungsod sa National Capital Region (NCR).


Sa ilalim nito, magiging standardized na ang karampatang multa ng karaniwang nalalabag na batas-trapiko, tulad ng paglabag sa number coding scheme at tricycle ban na may multang P500.


Ang mga hindi sumunod sa traffic signs o mag-overspeeding ay P1,000 naman ang penalty.


Papayagan na rin ang pagbabayad ng multa online para hindi na mahirapan ang motorista na dumayo sa siyudad kung saan nahuli.


Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ipatutupad muna ito sa mga piling lugar para matukoy kung may kailangang baguhin bago ito ipatupad sa buong bansa. Napili ang 7 lungsod na ito dahil maayos na ang kanilang IT system.


Sang-ayon naman ang ilang motorista sa bagong sistema na inaasahang magpapabilis ng kanilang mga biyahe.


Sa pamamagitan din ng bagong sistema ay mapapaigting ang disiplina sa kalsada dahil magkakaroon ng demerit points ang mga lalabag sa batas-trapiko. Umaasa tayo na tuluyan nang mawawala o mababawasan ang mga pasaway sa kalsada.


Kung maipatutupad nang maayos ang single ticketing system, maiiwasan din ang korupsyon. Maiiwasan ang tukso at wala nang mangyayaring tawaran, sana.


Tayo namang mga motorista, makiisa sa pagsuri sa bagong sistema. Tulungan natin ang mga awtoridad na makita kung may mga dapat bang baguhin para mas maging maayos ito.


Sa huli, pare-pareho naman tayong makikinabang. Kung maayos ang sistema ng trapiko, tuluy-tuloy ang daloy ng kabuhayan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page