Singer, wa' raw 'K', pinatatalsik na…

HIRIT NG NETIZEN: CONTESTANT SA THE CLASH, MAS MAGALING PA SA JUDGE NA SI CHRISTIAN
ni Nitz Miralles - @Bida | November 7, 2020

Dyumo-josh Groban si Christian Bautista sa dating niya ngayon na long hair at curly-curly pa. Wish ng mga fans ng Kapuso star na isa sa panel ng The Clash, hindi muna siya magpagupit at kung magpapagupit man, ipa-trim lang ang hair.
Anyway, hindi pa idine-delete ni Christian ang mga comments ng isang supporter ng natanggal na contestant sa The Clash at grabe nga ang galit sa kanya. Magaling daw ang pinauwi nila, mas magaling pa sa kanya at dapat nakapasok.
Inamin naman ni Christian na naapektuhan siya sa sinabi ng supporter na “You really don’t deserve that chair, puro ka comment, comment, comment. Puro ka 'Puwede na sa finals,' bakit, nakita mo na future?”
Unfair daw sina Christian at sinabihan pang ayusin ang sistema ng pagpili at dapat walang discrimination.
In fairness sa netizen, alam na alam ang nangyayari sa The Clash. Ibig sabihin, nakatutok siya sa show.
Pero bakit si Christian lang ang inaway ng viewer at hindi siya galit kina Lani Misalucha at Ai Ai delas Alas?





Comments