top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Singer, tanggap na ang nangyari… LANI AT MISTER, NA-ICU, NABINGI DAHIL SA IMPEKSIYON

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 27, 2020
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | December 27, 2020




Gaya ng ipinangako, sa nakaraang Christmas Special ng GMA-7 na tinampukan ng mga winners at produkto ng The Clash, ikinuwento ni Lani Misalucha kung bakit natigil ang pagiging judge niya sa Season 3 ng singing competition. Pinalitan siya ni Pops Fernandez at hindi na nakabalik sa show si Lani hanggang magtapos ang The Clash 3.


“Ang nangyari kasi sa amin, nagkaroon kami ng bacterial meningitis,” na ang tinutukoy ni Lani ay sila ng asawa niyang si Noli.


“Both kaming na-ICU. First, ang husband ko ang pumasok sa ICU ng October 9. Saturday night, that’s October 10, hindi na talaga maganda ang pakiramdam ko, masakit ang katawan, parang pounding headache, so idiniretso na rin ako sa ICU,” patuloy ni Lani.


Kuwento pa niya, pareho silang naka-experience ng husband niya ng pagkahilo at loss of hearing sa kanilang right ear dahil sa infection.


“Hindi ko pa rin ma-absorb na eto ang nangyari sa akin. Ano ‘to? Singer ako? Kailangan ko ng pandinig ko. Parang sinabi ko na lang sa sarili ko na, 'Okay, singing may not be for me anymore.'


"Parang wala pa akong makitang answer right now. Actually, nagre-research pa rin ako ngayon. We keep on searching. Meron pala Siyang ibang sagot. Hindi lang natin nakikita kasi iba ‘yung gusto nating makitang sagot na matatanggap. Sabi ko, okay lang. Sige, kung ito ‘yung ibinigay na challenge, then, I’ll take the challenge,” ayon pa kay Lani.


Sa Christmas Special ng The Clash, kumanta si Lani at sana nga, tuluy-tuloy na ang kanyang paggaling.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page