top of page
Search
  • BULGAR

Singer, nabudol daw… MISTER NI ANGELINE, WA’ KAYOD, MAGIGING 5 NA ANG ANAK

ni Beth Gelena @Bulgary | May 6, 2024



File photo
File photo: Angeline Quinto

Ipinakita na ni Angeline Quinto ang kanyang baby bump sa social media. 

Though wala pa siyang inaamin na preggy siya, hindi naman niya kinontra ang espekulasyon ng mga netizens na buntis siya habang ikinakasal sila ng mister na si Nonrev Daquina sa Quiapo Church.


Komento ng mga netizens na makakati ang dila… “Ayos ‘to si Angeline, pabuntis lang nang pabuntis. Buti pa s’ya.”


“Nonrev plus 2 kids, too much obligations in an instant.”

Alam ng singer na may anak na sa ibang babae ang kanyang mister. 


“Actually, 3 kids sa ibang babae, all girls. Sa first anak n’ya, he was 15 years old. Inamin na nila sa vlog, hahaha!”


Bale magiging lima na raw ang anak ni Nonrev, dahil tatlo ang anak nito sa ibang babae. 

Sey naman ng ibang mga netizens, “Let them be, buhay n’ya ‘yan.”


“Ewan ko ba dito kay Angge, masyadong nabudol at ‘di pa nakuntento sa isa muna. Dapat kumalma lang muna siya at sana lang talaga, may prenup.”


“Madami naman siyang pera, afford n’ya mag-baby pa. Saka, okay lang naman ang 2 kids.”


“Are you for real? 5 kids and not financially stable is a major-major red flag. Diyos ko! Nakakaawa ang first 3 kids. At least, ‘yung kay Angge ay siguradong mabubuhay sila ni accla.”


“Oo nga! I hope may prenup sila. Wala pa namang work ‘yung guy.”


“Kaya pala mukhang maga ang mukha n’ya, buntis pala.”


Tanong naman ng isang commenter, “Nagsusustento ba si Nonrev sa 3 panganay n’ya bukod sa mga anak n’ya kay Angeline? Sana may source of income s’ya and sana, maayos ang mga investments ni Angeline, since hindi naman ganu’n karami ang projects n’ya ngayon. Mabait ‘yan si Angeline, eh.”


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page