top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Sinalubong daw ng protesta.. Marcos at pamilya, lumipad patungong Australia — spox

Writer: BULGAR
BULGAR
May 17, 2022
2 min read

ni Lolet Abania | May 17, 2022



Nasa Australia ngayon si presumptive President Ferdinand “Bongbong/BBM” Marcos Jr. para sa umano mas kinakailangang pahinga at bakasyon matapos ang nakapanghihinang kampanya.


Ayon sa spokesperson ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez, si BBM kasama ang kanyang pamilya ay babalik sa bansa sa Huwebes.


“It’s more of a private trip, a private visit for a much needed rest and vacation of President-elect Bongbong,” ani Rodriguez sa press briefing ngayong Martes, kung saan ang biyahe ni Marcos ay kinumpirma ni Philippine Ambassador to Australia na si Helen dela Vega.


“I think he just wants to enjoy the remaining few days before he assumes officially as the President of the Republic,” sabi ni Rodriguez. “Pinipilit na lang niyang i-enjoy momentarily ang kanyang pagiging citizen Bongbong.”


Kaugnay nito, isang report ng Reuters na batay sa Age newspaper, ang trip ni Marcos sa Australia ay sinalubong ng protesta.


Ang mga protesters, ayon sa report, nagtipun-tipon sa labas sa isang address sa central Melbourne.


Inilarawan naman ni Rodriguez ang protesta, na ginawa ng mga Pilipino sa Australia bilang aniya, nakakahiya o shameful, at sinabing ang Australian government ang dapat na magdetermina kung si Marcos ay welcome sa Australia at hindi ang mga Pilipinong naninirahan doon.


“Nakakahiya. Nakakahiya bilang Pilipino, nakakahiya... hindi ugali ng Pilipino na hiyain at pahiyain ang kapwa niya Pilipino sa isang bansa na hindi naman Pilipinas,” saad ni Rodriguez.


“I think the best authority or person to say whether he is welcome or not are the Australian government, not fellow Filipinos na nandoon lang din dahil punong-puno ng poot at pait ang puso. Uulitin ko wala sa kaugalian nating mga Pilipino ang hiyain ang kapwa mo Pilipino sa ibang bansa,” dagdag ni Rodriguez.


Una nang umapela ang dating senador na si Marcos sa buong mundo na aniya, hatulan siya hindi sa kanyang mga ninuno kundi sa kanyang mga gawa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page