top of page
SHOWBIZ SPECIAL - ROMNICK- 54-ANYOS NA AKO, NAGBI-VIDEO GAMES PA RIN, WALA PA AKONG NASAKT

Sinakal at kinalmot habang tulog… CHARIZ, UMAMING MAY THIRD EYE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 3 min read

ni Mercy Lejarde @Talkies | August 22, 2026



TALKIES - CHARIZ, UMAMING MAY THIRD EY-IG _chariz_solomon

Photo: IG _chariz_solomon



Inamin ng TV host-actress na si Chariz Solomon na may ‘third eye’ siya.

Sa kanyang pagharap sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), diretsahang tinanong ng King of Talk si Chariz tungkol sa naturang kakayahan.


Pabirong sagot ni Chariz, “Yes, check. Meron din akong second mouth.”

Ngunit nang seryosong sagutin ang tanong, kinumpirma ni Chariz na mayroon nga siyang third eye.


“Meron po, Tito Boy,” saad niya.


Ayon sa aktres-host, una niyang napansin ang kakaibang karanasan noong high school pa lamang siya. Aniya, tila lumalabas o nagiging mas aktibo ang kanyang kakayahan kapag siya ay lubhang vulnerable, malungkot o maraming pinagdaraanan.


“I think it comes out sa time na sobra kang vulnerable, sobra kang malungkot na tao, saka s’ya nag-o-open,” kuwento ni Chariz.


“Parang na-observe ko, nangyayari s’ya ‘pag sobrang lungkot mong tao. ‘Pag marami kang darkness inside,” saad pa niya.


Sa ngayon, sinabi ni Chariz na hindi na raw ganoon kalakas ang kanyang nararanasan, pero naniniwala siyang hindi ito tuluyang mawawala.


Ibinahagi rin ng aktres ang ilan sa mga hindi pangkaraniwang bagay na umano’y nakita niya.


Kuwento niya, minsan ay nakakita siya ng tila isang taong biglang tumawid sa kalsada habang nagmamaneho sila noon ng kanyang boyfriend. 


May mga pagkakataon din umano na may nakakasalubong siya sa banyo.

Aniya, hindi niya literal na nakikita ang mukha ng mga ito, ngunit tila may ibang paraan kung paano niya nalalaman ang kanilang hitsura at emosyon.

Aniya, “Parang ibang klaseng communication.” 


Paliwanag niya, “Basta ang nakikita mo lang is a bright light tapos in your mind, nagre-register ‘yung hitsura, ‘yung emotions nila.”


Mas naging seryoso ang kuwento nang ibahagi ni Chariz na may pagkakataon ding nakaranas siya ng umano'y pananakit.


Ayon sa aktres, nangyari ito sa isang bahay na tinirhan nila noon sa Pasay.

“Akala mo nanaginip ka, akala mo bangungot, tapos kinalmot ka. Tapos, paggising mo, nakalmot ka talaga,” kuwento niya.


Ibinahagi rin niya ang isa pang nakakatakot na karanasan noong high school siya, nang umano'y makaramdam siya na sinasakal habang natutulog.


In fairness kay Chariz, positibo pa rin ang life niya sa kabila ng mga kakaibang karanasan.





SUPER proud ang mahusay na aktres na si Isabel Rivas sa kanyang mga apo na sina Heather Sloane at Austin Titus, mga anak ng kanyang nag-iisang anak na si Richard Chua at ng aktres na si Nadine Samonte.


Sa social media, muling ibinahagi ni Isabel ang post ng kanyang beautiful daughter-in-law na si Nadine tungkol sa anak nitong si Heather. Ipinakita niya kung gaano siya kasaya bilang isang lola na makita ang kanyang mga apo na natututong magsikap, mag-ipon at maging responsible sa murang edad.


Sa caption ni Isabel, saad niya, “Friends: I’m a happy grandma seeing how my little angels are learning early how to sell & save for what they want. This time, it’s a cute real fluffy duck. Can’t wait for her pet to arrive!”


In fairness sa mga apo ni BFF Isabel, bata pa lang ay mga negosyante na. Ang gaganda nina Heather at Harmony, at ang guwapo naman ni Titus—tipong pang-artista rin! Ang tanong, papayagan kaya sila ni Grandma Dearest Isabel na pasukin ang showbiz? 

‘Yan na!





Maraming takot sa kanya…

TESSIE, AMINADONG MALDITA



DIRETSAHANG tinanong ni Morly Alinio sa kanyang YouTube (YT) channel ang beteranang aktres na si Tessie Tomas kung maituturing ba siyang ‘maldita’.

Tanong ni Morly, “Diretso, maldita ka ba?”

Napatawa si Tessie bago sumagot.


Ani Tessie, “Hahaha! Maldita siguro in a sense na ‘di ko sinasadyang mang-api ng tao o manakit.


“‘Di naman ako nakakatakot. Siguro, sila ang natatakot, ‘di ba? Kasi nalulula sila. Pero I try to make them comfortable.”


At kapag napapansin niyang naiilang o nate-tense ang isang tao, gumagawa siya ng paraan para maging komportable ito sa pamamagitan ng pagbibiro.


Aniya, “Kung minsan, nagdyo-joke ako ‘pag alam kong nate-tense sila.”


Well, hindi lahat ng mukhang mataray ay maldita. Minsan, sila pa nga ang mas mabait, ‘di ba naman, Tessie Tomas?

‘Yun lang, and I thank you.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page