Simula Nov. 1 hanggang Dec. 23... Road excavation sa M. Mla., stop

ni Gina Plenago @News | November 1, 2026

Photo: File / MMDA
Pansamantalang ipatitigil ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga paghuhukay sa national at city roads sa Metro Manila simula Nobyembre 1 hanggang Disyembre 23 upang maibsan ang trapiko ngayong Kapaskuhan.
Ayon sa MMDA, layunin nitong mapagaan ang biyahe ng mga motorista sa inaasahang pagdami ng sasakyan sa mga pangunahing lansangan.
Gayunman, hindi sakop ng suspensyon ang mga flagship infrastructure project ng pamahalaan, pagkukumpuni at konstruksyon ng mga tulay, flood control projects at emergency repairs.
Ang hakbang ay alinsunod sa Memorandum Circular No. 20, Series of 2026.





Comments