Simula na ang semifinals double game sa VisMin Cup
ni Gerard Arce - @Sports | August 01, 2021

Papasok na sa panibagong misyon ang second seed na Clarin Sto. Nino na puntiryang maka-una kontra sa 5th ranked na JPS Zamboanga City, habang parehong landas rin ang nais tahakin ng 3rd seeded Pagadian Explorers at 4th seed Petra Cement-Roxas sa pagsisimula ng kani-kanilang best-of-three semifinal match-up, ngayong araw, Linggo, sa Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup sa Plaza Luz Gym sa Pagadian City, Zamboanga del Sur.
Aminado ang Clarin Sto. Nino na hindi basta-basta ang mga manlalaro ng Zamboanga City dahil binubuo ito ng mga dekalibreng beterano na maaaring maging hadlang sa kanila para sa tatahaking final spot para sa Mindanao division sa pakikipagharap sa main game bandang alas-6:00 ng gabi.
Matapos namang makabawi sa do-or-die quarterfinals laban sa Kapatagan Buffalo Braves nitong Biyernes ng gabi sa iskor na 76-87, haharapin ng host city na Explorers ang delikadong Roxas Vanguards sa unang laro sa alas-4:00 ng hapon.
Naging malaking bagay para sa Clarin ang magkaroon ng 5-araw na pahinga para makapaghanda at mas mapag-aralan pa ang kalabang Zamboanga City na minsan na nilang pinadapa nung elimination round sa iskor na 95-69, na pinangunahan muli ni league-second leading scorer John Wilson, na inaasahang tutulungan ng mga beterano ring manlalaro sa katauhan nina Carlo Lastimosa, Josepg Eriobu, Jayvee Marcelino, Pamboy Raymundo at Marvin Hayes
“Nagpahinga lang kami at training lang para sa JPS kasi alam naman namin na hindi basta basta ang JPS. Isa sa mga powerhouse team yan,” wika ni Clarin head coach Miguel Borilla Jr.





Comments