top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Simula na ang eleksiyon sa POC, start na ang marumi at black propaganda, tsk!

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 14, 2020
2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | November 14, 2020



Idineklara na ang eleksiyon ng mga opisyal ng Philippine Olympic Committee (POC).


Nagsimula na rin ang maruming pulitika at black propaganda!


◘◘◘


Isipin mong nagbunyi ang mga Pilipino dahil sa tagumpay ng pagdaraos ng SEA games sa ating bansa at pagiging kampeon ng ating mga atleta matapos ang 40 taon.


Dahil sa pagdaraos ng SEA games naipagawa rin ang Rizal Memorial Coliseum na ilang dekada ng napabayaan!


◘◘◘


Hinangaan din ng mga delegado ang pagtatatag ng Clark City Athletics Stadium & Aquatics Center, pati na ang Athletes Village dahil sa world-class nitong kalidad.


Naisabatas din ang panukalang magtatayo ng National Academy of Sports, isang specialized high school para sa mga atleta!


◘◘◘


Ngayong may eleksiyon sa POC, kinakalantari ang magandang achievements sa pagdaraos ng SEA games upang sirain ang aspirante sa posisyon.


Hindi pa rin matigil ang ibang grupo sa paninira sa mga taong nagtatrabaho para sa matulungan ang Pangulo sa kanyang pangarap na tulungan ang mga atleta!


◘◘◘


Nabanggit ni dating Speaker Peter Alan Cayetano at naging pinuno ng SEA games organizing Committee na binalaan daw sila noon bago magsimula ang preparation para sa mga SEA games event, malala ang pulitika sa sports.


Karamihan kinasuhan pagkatapos ng kompetisyon dahil sa inggit at maruming pulitika!


◘◘◘


Iniulat sa isang panayam na ang P6 bilyon na nilaan para sa SEA games ang hindi ibinigay sa PHISGOC lahat.


Sa katunayan, P1.48 bilyon lamang ang direktang binigay sa PHISGOC ng PSC!


◘◘◘


Umabot pa ng halos 15 buwan bago matapos ang pag-release ng pondo sa PHISGOC.


Ang P3 bilyon ay binigay sa Department of Budget and Management-Procurement Service (DBM-PS), samantalang ang P500 milyon ay pinamahala sa POC at ang P1 bilyon ay ginamit ng PSC!


◘◘◘


Idiniin din ni PHISGOC Chief Operating Officer (COO) Ramon Suzara na nitong September 4, 2020 lamang nila natanggap ang kabuuan ng pondong nilaan para sa gastusin ng SEA games.


Ito ay halos 10 buwan matapos ng pagdaraos ng SEA games!


◘◘◘


Dahil sa bagal ng release ng pondo, naantala rin ang lahat ng proseso tulad ng liquidation at pag-audit.


Nilinaw din niyang bawat sentimo na ibinigay sa PHISGOC ay ginamit sa tama at hindi winaldas!


◘◘◘


Sinagot din niya ang ilang miyembro ng Philippine Olympic Committee na nagsampa ng demanda na humihingi ng financial report sa kanila.


“Mapapahiya lamang kayo”, ‘yan ang mariing tugon ni Cayetano sa mga nagdemanda sa PHISGOC!


◘◘◘


Tiniyak niyang kasalukuyang ginagawa ang financial audit at maisasapubliko ang laman nito pag tapos na.


Nabanggit din ni Suzara na humigit-kumulang ay 91 % na ng mga kabuuang perang binigay ng PSC sa Organizing Committee ay nasumite na ang mga liquidation report!


◘◘◘


Nalalapit na ang eleksyon sa POC, bago matapos ang Nobyembre.


Ginagamit ang isyu ng PHISGOC at SEA games para madiskaril ang kandidatura ng kasalukuyang Pangulo na si Tolentino!


◘◘◘


Ang kanyang kalaban na si Jesus Clint Aranas ay isa sa mga nagdemanda sa PHISGOC tungkol sa hindi pagsusumite ng financial report.


Marahil ay hindi matanggap ni Mr. Aranas na ang tulad ni Cayetano at si Tolentino ang nakapag-ayos ng gusot na hindi nila nagawa!


◘◘◘


Matapos ayusin ang problema ng sports, ngayon ay gusto nilang bumalik sa kapangyarihan at ibalik ang walang kuwentang pamamalakad, pangit na sistema at lideratong walang direksiyon.


Hindi ganitong liderato ang magbibigay ng inspirasyon sa ating mga atletang Pilipino!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page