Simula Hulyo 18... P50 dagdag-sahod
- BULGAR
- Jul 1
- 1 min read
ni Mai Ancheta @News | July 1, 2025
Photo File: BSP
Madadagdagan ng P50 ang take home pay ng mga arawang manggagawa sa National Capital Region (NCR) matapos aprubahan ng NCR Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang umento sa minimum wage.
Ang dagdag-sahod ay inanunsyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) batay sa Wage Order 26.
Dahil dito, magiging P695 na ang minimum wage mula sa dating P645 para sa non-agriculture sector, at P658 mula sa P608 para sa agriculture sector, service at retail establishments na mayroong 15 pababa na mga manggagawa, pati na sa mga manufacturing na mayroong 10 pababa na mga trabahador.
Ang dagdag umento sa sahod ay magiging epektibo sa July 18, 2025.
Ayon sa DOLE, ito ang pinakamataas na wage hike na ibinigay ng wage board at pakikinabangan ng tinatayang 1.2 million na manggagawang tumatanggap ng minimum na sahod.
Sinabi naman ng mga grupo ng negosyante na kakayanin nila ang P50 dagdag na sahod para sa kanilang mga arawang manggagawa.
Comments