top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

SIM registration, wa' epek vs. scammers

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 18, 2023
1 min read

@Editorial | June 18, 2023

Patuloy ang panawagan ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group sa publiko na huwag patulan ang nag-aalok na bumili ng kanilang rehistradong SIM Cards.


Talamak ang bentahan ng rehistradong SIM card na ginagamit sa mga ilegal na aktibidad.


Ilang grupo na ang naaresto dahil sa pagbili ng mga registradong SIM card. Talagang namumuhunan para may magamit sa panloloko.


Kaugnay nito, binigyang-diin ng kinauukulan na madadamay din sa kaso ang mga may-ari ng SIM card na nagbenta.


Sa gitna ng SIM registration, nakikisabay din ang mga scammer. Tila pinagtatawanan lang ang batas at hindi natitinag.


Nakababahala dahil ang pinipigilang paglaganap na scam ay parang mas lalo pang lumalawak.


Araw-araw pa rin ang mga text na panloloko at may tumatawag pa. Kung mahina-hina ang biktima laban sa mga ganitong modus, tiyak ubos talaga ang pera.


Kaya tripleng kayod ang dapat gawin ng mga awtoridad. Habang gayundin ang dapat na pag-iingat ng publiko.


Kung tuso ang mga scammer, dapat tayong maging wais, huwag magpapabiktima. Hindi dapat sila mabigyan ng pagkakataon na makapanloko, sa halip, sila ang dapat maisahan hanggang sa matimbog at maparusahan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page