top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Sim Registration Law, wa epek pa rin sa mga scammer

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 22, 2024
1 min read

@Editorial | June 22, 2024


Editorial

Kaliwa't kanan pa rin ang natatanggap na text scams ng mga mobile phone user sa bansa sa kabila ng umiiral na SIM Registration Law. 


Aminado naman ang National Telecommunications Commission (NTC) na maraming hamon sa umiiral na batas. 


Para naman sa Department of Information and Communications Technology (DICT), panahon na para repasuhin at paigtingin ang pagpapatupad nito. 


Kung mismong mga ahensya na ang nagsasabi na tila may butas ang batas, sana ay sinimulan na ang pagrebyu nito. Huwag nang patagalin pa. Dahil bawat araw ay nagiging pagkakataon sa mga scammer para makapambiktima.


Bukod sa mga text at tawag na abala sa gawain, talagang may mga nakakalusot na panloloko.


Taliwas sa inaasahan natin na tuluyan nang masusugpo ang scam, parang mas lalong lumala at tuwiran nang binabastos ang batas.


Panahon na para pag-aralang muli ang SIM Registration Law. Tanggapin natin ang mga kahinaan ng batas. Pag-isipan kung paano ito mapapalawak para magkaroon ng pangil laban sa mga scammer.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page