top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

SIM registration, gawing epektibo vs. scammer

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 28, 2023
  • 1 min read

@Editorial | July 28, 2023


Matapos ang opisyal na pagwawakas ng pinalawig na pagpaparehistro, umabot sa 55 milyong Subscriber Identity Modules o SIM card ang na-deactivate.


Ayon pa sa Department of Information and Communications Technology (DICT), karamihan sa mga deactivated ay ang mga non revenue SIM cards na ang ibig sabihin, ay active ngunit bihira lang magamit ng kasalukuyang subscriber.


Ipinaliwanag ng ahensya na ang mga user na nakaligtaan ang deadline ay nawalan ng kabuuang koneksyon sa mga pagtawag, data, at e-wallet.


Bagama't una nang sinabi na ang mga un-registered SIM ay makakatanggap pa rin ng short message service at ito ay dahil binibigyan sila ng palugit na limang araw para sa reactivation. Kapag nabigong muling i-activate ang SIM card, tuluyan na itong made-deactivate at mawawalan na ng access ang mga subscribers.


Umaasa tayo na talagang magiging epektibo ang SIM registration laban sa anumang uri ng krimen. Nakapanlulumo na namamayagpag pa rin ang mga scammer. Tila wala silang pakialam sa ginagawang paglaban ng pamahalaan.


Kaya kailangang magdoble-kayod ang mga ahensya ng gobyerno sa paglaban sa mga scammer na 'to. Kung may mga reklamo na inilalapit, aksyunan na agad. May mga biktima ng scam na karamihan ay mga ordinaryong mamamayan na ang tanging magagawa lang ay maghintay sa pagkakataon na mahuli at mapanagot ang nang-scam.


Sana sa ating kinauukulan, bilis-bilisan din ang pagtugis sa mga salarin, plis lang.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page