SIM registration, dapat bang i-extend o ibasura?
@Editorial | April 25, 2023
Malapit na ang inaasahang deadline ng SIM registration at milyun-milyon pa rin ang hindi pa nakakapagrehistro.
Kaugnay nito, magkakaroon umano ng malaking epekto kung hindi ie-extend ang SIM registration sa digital transformation ng bansa.
Sa oras na hindi makapagrehistro ay made-deactivate ang SIM card at mawawala ang financial connection nito. Wala nang access sa mga one-time passwords o OTP sa mga accounts at iba’t ibang applications maging sa banko. Pati ang mga emergency messages ay hindi na matatanggap ng taong hindi nakapagrehistro ng SIM card.
Habang isinusulat natin ito, patuloy ang mga panawagan na palawigin ang SIM registration ng kahit isa o dalawang buwan. Bagama’t ayon naman sa probisyon ng SIM Registration Law, nagpapahintulot ito ng 120 days na extension.
Sa kabilang banda, patuloy din ang apela na ibasura ang SIM registration. Sa sunud-sunod na rally at vigil ng iba’t ibang grupo, kanilang iginigiit na nilalabag ng SIM registration ang Data Privacy Act Law 10173 of 2012 at freedom of speech.
Ang tanong pa ng mga pumapalag sa SIM registration, ang mga pulitiko at mayayaman kaya ay nagparehistro rin ng SIM? Pumayag ba silang ibigay ang kanilang mga personal na impormasyon?



Comments