top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Sim Card Registration Act, napapanahon na

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 18, 2021
1 min read

ni Ryan Sison - @Boses | December 18, 2021



Aprub na sa Senado sa ikatlo at pinal na pagbasa ang SIM Card Registration Act na naglalayong pigilan ang paglaganap ng subscriber identity module (SIM) card-aided fraud.


Ang Senate Bill No. 2395 ay nag-aatas sa lahat ng pampublikong telecommunications entity na gawin ang pagpaparehistro ng lahat ng SIM card kung saan ang mga subscribers ay dapat magsumite ng registration at magpakita ng valid ID.


Parurusahan din nito ang paggamit ng mga pekeng pagkakakilanlan upang irehistro ang mga SIM card, spoofing at ang hindi awtorisadong pagbebenta ng mga nakarehistrong SIM card.


Tulad ng sinabi ng isang mambabatas, panahon na upang magkaroon ng batas na magpaparusa sa mga manloloko gamit ang SIM card. Kasabay nito, tinukoy din ang insidente ng hack noong nakaraang linggo kung saan 700 ang nabiktima.


Kaya naman, sang-ayon tayo na talagang napapanahon na ang batas na ito, lalo pa’t matatandaang, sunud-sunod ang insidente ng pagkalat ng spam messages na nag-aalok ng pekeng trabaho at iba pang Christmas freebies.


Ang masaklap, may mga nabibiktima, pero walang naparurusahan dahil hindi natutunton ang mga suspek. Ngunit sa oras na maipatupad ang naturang batas, mas mapapadali ang pagpaparusa sa mga nasa likod ng text scam.


At kayong mga walang tigil sa panloloko, may kalalagyan din kayo. Siguro naman, sapat na ang mga babala upang itigil ang inyong mga pananamantala.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page