top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

‘SIM Card for rent’, talamak din

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 21, 2023
2 min read

@Editorial | November 21, 2023


Hanggang ngayon ay talamak pa rin ang paglabag sa SIM Card Registration Act.


Nito lamang, inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 12 katao kaugnay ng labag sa batas na pagrenta ng mga SIM card na may beripikadong GCash account.


Tinukoy ang mga ito na isang Malaysian national at 11 Pinoy.


Nahuli sila sa serye ng operasyon na isinagawa noong Nobyembre 9-10, sa Maynila, Quezon City, at Parañaque City dahil sa mga kasong paglabag sa Section 9 (c), (d), at (e) Republic Act 8484 o Access Devices Act of 1998; Section 4(a)(1) (Illegal Access) at 4(b)(1)(i) (Computer-related Forgery) ng R.A. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012); at Section 11(e) ng R.A. 11934 (SIM Card Registration Act of 2020).


Nakumpiska ng NBI mula sa mga suspek ang 13 units ng desktop computers, 40 pirasong GSMs Modems/Text Blasters, 57 mobile phones, 1 unit ng laptop at monitor, at nasa 50,000 piraso ng SIM cards.

Una nang nakatanggap ng impormasyon ang NBI hinggil sa mga indibidwal mula sa isang Facebook group na naghahanap ng mga GCash account holders na may beripikadong account status, at may wallet limit na hanggang P500,000, na handang magpa-rent ng kanilang accounts.

Ibinulgar pa na ang naturang GCash accounts ay hindi na magagamit ng account holders at sa halip ay ibibigay sa mga naturang indibidwal bilang casino loaders.

Habang ang mga may-ari naman ng SIM cards ay aalukin ng P2,000 bilang bayad at P2,000 pa para sa mga susunod na buwan bilang rental fee sa kanilang accounts.


Masasabing bagong istayl na naman ito ng paglabag sa batas na dapat pigilan.


Laging paalala sa kinauukulan na huwag namang patulug-tulog sa pansitan dahil nakakalusot ang mga pasaway.


Kapag hindi napigilan ang ilegal na gawain, tiyak na lalawak pa ito at mas maraming puwedeng mabiktima.


Sa mga nakikipagsabwatan naman sa mga sindikato, tigilan n’yo na. Huwag masilaw sa pera na puwedeng maglagay sa alanganin sa inyong buhay.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page