Sili, P800 na kada kilo
- BULGAR

- Sep 16, 2023
- 1 min read
ni BRT @News | September 16, 2023

Tumaas pa ang presyo ng sili sa Metro Manila, dahil sa patuloy na pagbaba ng supply.
Sa monitoring ng Department of Agriculture, umaabot na mula sa P500 hanggang P800 ang kada kilo na presyo ng siling labuyo sa mga merkado.
Ayon kay Bureau of Plant Industry (BPI) deputy spokesperson Henry Esconde, naghahanap na sila ng mga lugar na alternatibong magsusuplay ng sili sa Metro Manila, upang mapababa ang presyo nito sa mga susunod na buwan.
Tumaas din umano ang farmgate price ng sili sa mga lugar na may mataas na produksyon. Kinabibilangan ito ng Cagayan Valley, Central Luzon, at Calabarzon, kung saan naglalaro mula P300 hanggang P500 kada kilo ang farmgate.
Tiniyak naman ng opisyal na ang kakapusan ng supply ay hindi dahil sa hoarding, kundi dahil sa naging apekto ng mga nagdaang bagyo.
Naapektuhan aniya ng bagyo at habagat ang hanggang 100 ektarya na taniman ng mga sili sa Northern Luzon kaya apektado ang supply ng sili sa mga palengke.




Comments