top of page
Bea Alonzo at Dominic Roque - fb

Sikreto ng 25 yrs. nila ni Charlene… “PURO PAGMAMAHAL AT RESPETO LANG” — AGA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 9 hours ago
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | May 30, 2026



Aga Charlene

Photo: IG



Nagdiwang ng silver anniversary ang celebrity couple na sina Aga Muhlach at Charlene Gonzales sa simple ngunit makabuluhang paraan.


Ipinasilip ng aktor sa kanyang IG Story ang kanilang anniversary celebration kung saan magkasama silang nagbibisikleta.


Caption niya, “We’ve always kept it simple, silver anniversary ride.”

Ipinahayag din ng aktor ang kanyang pasasalamat, pagmamahal at pagpapahalaga kay Charlene habang ibinabahagi ang pundasyon ng kanilang matatag na relasyon sa loob ng maraming taon.


Aniya, “Puro pagmamahal at respeto lang.”


Direkta rin niyang ipinahayag ang kanyang pagmamahal sa asawa.

Mensahe ni Aga, “Mahal na mahal kita!!! @itsmecharleneg.”


Kinilala rin niya ang kanilang pananampalataya bilang gabay sa kanilang pagsasama.

Sambit ni Aga, “Mabuti ang Diyos.”


Sa mapagbiro namang paraan, sinabi pa ni Aga, “Para mas lumayo pa sa aming kaseksihan.”


Samantala, mainit na tumugon si Charlene sa post ng mister, “Maligayang ika-25 anibersaryo, mahal ko.”





Tuloy ang buhay… 

LANI AT BONG, SA KULUNGAN NAG-CELEBRATE NG KANILANG 40TH ANNIV



NAGING emosyonal at symbolic ang renewal of vows nina Sen. Bong Revilla at Congw. Lani Mercado na ginanap sa loob ng New Quezon City Jail Male Dormitory.

Isa sa mga tumatak sa mga netizens ay ang public apology ni Bong kay Lani nang aminin niyang ilang beses niya itong nasaktan at napaiyak nang tahimik.


Dahil apat na dekada na silang magkasama, marami ang nagsasabing patunay ito ng tibay ng kanilang relasyon sa kabila ng showbiz controversies, political issues, at personal struggles.


Humanga rin ang ilan kay Lani dahil nanatili siyang kasama ni Bong sa kabila ng mga pinagdaanan ng kanilang pamilya.


Mas naging madamdamin ang seremonya nang awitin niya ang Sana’y Wala Nang Wakas at Palagi.


Ayon kay Congw. Lani, “Naniniwala ako na ang lahat ng ating pinagdaanan, it made us stronger individually and as husband and wife, gaya ng sambit ng awiting Sana’y Wala Nang Wakas.


Gayunman, hati ang reaksiyon ng publiko.


May mga kinilig at naantig sa ipinakitang loyalty at forgiveness ng mag-asawa, habang may ilang kritikal at nagsabing tila ‘image rehabilitation’ umano ito dahil naganap habang nakakulong si Sen. Bong.


Sa kultura ng Philippine showbiz-politics, mabilis talagang napag-uusapan ang mga ganitong pagpapakita ng family unity.


Apat na dekada nang magkasama sina Bong at Lani at dumaan na rin ang kanilang relasyon sa ilang kontrobersiya.





BALIK-EAT… Bulaga! (EB!) si Ice Seguerra kung saan siya nagsimula noong bata pa siya.

Ngunit sa pagkakataong ito, hindi na bilang artist kundi bilang direktor ng programa.

Aniya, “Director of my home — Eat…Bulaga! Wah!! Grabe ‘yung kaba ko. Send some good vibes please.


“Mama, naalala ko, ikaw talaga ang nag-manifest nito dati. I hope I made you proud today.”

Marami namang netizens ang natuwa at nagpaabot ng pagbati kay Ice.


Ayon sa isang netizen, “Dati, batang nagda-duck walk lang si Ice sa Eat… Bulaga! Ngayon, director na ng programa. Congratulations, Ice. I’m sure proud na proud si Mommy Caring.”

Ibinahagi rin ng isa pang supporter ang pagiging longtime fan nito at kung paano niya sinubaybayan ang career ni Ice mula pa noon.


May ilan ding nagsabing bagay kay Ice ang bagong posisyon dahil matagal na itong bahagi ng EB! at malaki ang maitutulong niya sa programa.


Nagpaabot din ng suporta ang mga Dabarkads at hinangad ang mas marami pang tagumpay para kay Ice Seguerra bilang direktor ng noontime show.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page