Sikat na aktor sa 'Pinas, nag-asawa na… MAKISIG, PROUD NA TAGA-DELIVER NG FOOD SA AUSTRALIA
- BULGAR

- Sep 20, 2020
- 2 min read
ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | September 20, 2020

Mukhang payapa at masaya na ang buhay-may-asawa ng dating Kapamilya child star na si Makisig Morales na sa bansang Australia na piniling tumira kasama ang asawang si Nicole Watts, isang half-Australian, half-Pinoy na ipinakilala sa kanya ng mga kaibigan sa Australia noong 2018, hanggang sa nagpakasal sila last year.
Sa Australia nabuo ang plano nilang mag-put-up ng online business. Fortunately, bago pa man nag-pandemic, inumpisahan na ng mag-asawa ang mag-online business or online food service delivery noon pang 2019 sa Sydney kung saan sila nakabase.
Ang kanilang online business na NikMak Sweet Pack ay nagbebenta at nagde-deliver ng traditional Pinoy food sa mga kababayan natin doon.
Sa exclusive interview sa Push.com, ikinuwento ni Makisig na hands-on silang mag-asawa sa kanilang negosyo, as in sila na ang nagluluto ay sila pa rin mismo ang nagde-deliver.
Nagsimula raw silang magbenta ng pastillas at puto bumbong hanggang sa full food menu na ang kanilang idine-deliver.
Halos anim na taon nang naninirahan sa Australia si Makisig kapiling ang buong pamilya pagkatapos iwan ang pag-aartista. Dating Star Magic talent si Makisig.
Pansamantala siyang bumalik sa 'Pinas nu'ng 2018 para sa isang role sa seryeng Bagani pero pagkatapos ay bumalik din siya sa Australia para ipagpatuloy ang kursong Culinary Arts na kanyang napapakinabangan ngayon sa kanyang online business.
Ipinagmamalaki ng dating aktor na ang kanyang bestsellers sa ngayon ay ang crispy ulo, crispy pata, and baked California roll.
“I do most of the cooking for most of the food. I boil the pork for three hours to prepare it for frying. After that, napupunta na lahat ng cooking work kay Nicole 'pag nag-start na ako sa mga deliveries starting from 8 to 9 am.
"Nu'ng nakaraan, we were doing it Tuesdays to Sundays pero due to high level of orders, hindi na namin kinakaya, so we decided to do Friday, Saturday and Sundays lang so that we have some rest days din,” saad ng aktor.
Masaya ring ibinahagi ni Makisig na pagkatapos ng isang taong pagsasama nila ng misis, naka-adjust na sila sa pamumuhay na kanilang pinili.
“Nicole is the heart of NikMak. She handles the food orders, talks to the customers, arranges every order accordingly sa time na gusto nila at arranging them for the delivery. She's doing all the budgeting as well dahil siya ang nagko-compute ng lahat ng sales and money going in and out. Siya rin ang nagma-marketing, kaya kung wala si Nicole, wala ang NikMak.”




Comments