Siguradong happy ang Pasko, bilyones kasi ang pakakawalan ng mga kandidato
- BULGAR
- Nov 21, 2021
- 1 min read
ni Ka Ambo - @Bistado | November 21, 2021
IPATUTUPAD ang Alert Level system imbes na ang quarantine lockdown.
Mainam naman!
◘◘◘
HINDI naidepensa ng U.S. ang Philippine Coast Guard nang bombahin ng tubig ng Chinese Navy.
Nambobola lang ang mga ‘Kano!
◘◘◘
SUMASABIT sa sex scandal sa US ang kaalyado ni P-Digong na si Pastor Quiboloy.
Lagot!
◘◘◘
INILIBAN ng ICC ang imbestigasyon ng extra judicial killings sa Pilipinas.
Nakaiskor si P-Digong!
◘◘◘
INIRARASYON ang suplay ng petrolyo sa flooded area sa Canada.
Masuwerte ang mga Pinoy, walang ganyang sitwasyon kapag tag-ulan!
◘◘◘
SA totoo lang, hindi gaanong umulan sa Pilipinas sa nagdaang tag-ulan.
Ibig sabihin, tagtuyot ang dapat paghandaan ng mga Pinoy sa susunod na taon!
◘◘◘
WEAK leader daw si BBM.
Eh, sino ba ang strong?
◘◘◘
MASAYA ang Pasko sa Pilipinas.
Bilyun-bilyong piso kasi ang pakakawalan ng mga kandidato!
◘◘◘
SINO raw ang pinakamayamang presidentiable?
Huh, kayo na lang ang manghula!





Comments