Signal No. 5 na sa Polillo Islands at Quezon dahil sa Super Typhoon Karding
ni Lolet Abania | September 25, 2022

Dalawang lugar ang isinailalim na sa Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 5 ngayong Linggo ng umaga habang ang Super Typhoon Karding, na may international name na Noru, ay mas lumakas pa at kumikilos ito patungong northern portion ng Quezon at southern portion ng Aurora, ayon sa PAGASA.
Sa kanilang 11AM severe weather bulletin, itinaas na sa TCWS No. 5 ang Polillo Islands at ang extreme northern portion ng Quezon (northern at central portions ng General Nakar, at ang northeastern portion ng Infanta).
Ayon sa PAGASA, asahan na sa mga nasabing lugar ang napakalakas na bugso ng hangin na mahigit sa 185 km/h sa tinatayang 12 oras ang mararanasan. Posible ring magresulta ang bugso ng hangin ng matinding banta sa buhay o extreme threat to life at sa mga ari-arian.
Itinaas naman sa TCWS No. 4 ang mga sumusunod na lugar:
• Calaguas Islands
• southern portion ng Aurora (San Luis, Dingalan, Baler, Maria Aurora)
• northern portion ng Quezon (ang natitirang mga bahagi ng General Nakar at Infanta, Real)
• southeastern portion ng Nueva Ecija (Gabaldon, General Tinio, City of Gapan, Peñaranda)
• eastern at central portions ng Bulacan (Doña Remedios Trinidad, Norzagaray, San Miguel, San Ildefonso, San Rafael, Angat, City of San Jose del Monte)
• northeastern portion ng Rizal (Rodriguez, City of Antipolo, Tanay, San Mateo, Baras)
• extreme northern portion ng Laguna (Famy, Siniloan, Santa Maria, Pangil).
Sinabi ng PAGASA na ang mga nasabing lugar ay makararanas ng bugso ng hangin ng mahigit sa 118 km/h na aabot hanggang 184 km/h sa tinatayang 12 oras. Posible ring magresulta ang bugso ng hangin sa tinatawag na significant to severe threat to life.
Isinailalim na rin sa TCWS No. 3 ang mga sumusunod na lugar:
• central portion ng Aurora (Dipaculao)
• southeastern portion ng Nueva Vizcaya (Alfonso Castaneda, Dupax del Sur, Dupax del Norte)
• natitirang bahagi ng Nueva Ecija
• Tarlac
• natitirang bahagi ng Bulacan
• Pampanga
• Zambales
• Bataan
• Pangasinan
• Metro Manila
• natitirang bahagi ng Rizal
• northern at central portions ng Laguna (Mabitac, Pakil, Paete, Kalayaan, Lumban, Cavinti, Pagsanjan, Luisiana, Majayjay, Magdalena, Santa Cruz, Pila, Liliw, Nagcarlan, Victoria, Rizal, City of San Pedro, City of Biñan, City of Santa Rosa, Cabuyao City, City of Calamba, Los Baños, Bay, Calauan)
• northeastern portion ng Cavite (Bacoor City, Imus City, Kawit, City of Dasmariñas, Carmona, Gen. Mariano Alvarez, City of General Trias, Rosario, Silang)
• natitirang bahagi ng northern portion ng Quezon (Infanta, Real, General Nakar, Mauban)
• northern portion ng Camarines Norte (Vinzons, Paracale, Jose Panganiban, Capalonga).
Ayon sa PAGASA, asahan ang bugso ng hangin ng mahigit sa 89 km/h na aabot hanggang 117 km/h sa tinatayang 18 oras. Posible ring magresulta ang bugso ng hangin sa katamtaman hanggang sa matinding banta sa buhay at ari-arian.
Inilagay naman sa TCWS No. 2, na may bugso ng hangin ng mahigit sa 62 km/h at aabot sa 88 km/h sa tinatayang 24 oras ang southern portion ng Isabela (Dinapigue, San Guillermo, Echague, San Agustin, Jones); Quirino; natitirang bahagi ng Nueva Vizcaya; Benguet; La Union; natitirang bahagi ng Aurora; natitirang bahagi ng Cavite; Batangas; ang natitirang bahagi ng Laguna; central portions ng Quezon (Calauag, Perez, Alabat, Quezon, Tagkawayan, Guinayangan, Sampaloc, Lucban, City of Tayabas, Lucena City, Pagbilao, Padre Burgos, Atimonan, Agdangan, Unisan, Plaridel, Gumaca, Lopez, Pitogo, Dolores, Candelaria, Sariaya, Tiaong, San Antonio, Macalelon, General Luna, Catanauan, Buenavista); ang natitirang bahagi ng Camarines Norte; northern portion ng Camarines Sur (Del Gallego, Ragay, Lupi, Sipocot, Libmanan, Pamplona, Pasacao, San Fernando, Pili, Minalabac, Ocampo, Tigaon, Cabusao, Magarao, Gainza, Canaman, Camaligan, Milaor, Naga City, Bombon, Calabanga, Tinambac, Siruma, Goa, Lagonoy, San Jose, Garchitorena, Presentacion, Caramoan, Sagñay); at Catanduanes.
Inilagay naman sa TCWS No. 1, na may bugso ng hangin na 39-61 km/h ang maaaring asahan sa tinatayang 36 oras o intermittent rains ang posible ring asahan sa loob ng 36 oras, na mararanasan sa southern portion ng Cagayan (Tuao, Solana, Enrile, Tuguegarao City, Iguig, Peñablanca); natitirang bahagi ng Isabela; southern portion ng Apayao (Conner); Kalinga; Abra; Mountain Province; Ifugao; southern portion ng Ilocos Norte (Nueva Era, Badoc, Pinili, Banna, City of Batac, Currimao, Paoay, Marcos); Ilocos Sur; ang natitirang bahagi ng Quezon; northern portion ng Occidental Mindoro (Abra de Ilog, Paluan, Mamburao, Santa Cruz) kabilang ang Lubang Islands; northern portion ng Oriental Mindoro (Puerto Galera, San Teodoro, Baco, City of Calapan, Naujan, Victoria, Pola, Socorro, Pinamalayan); Marinduque; natitirang bahagi ng Camarines Sur; Albay; Sorsogon; Burias Island; at Ticao Island.
Ayon pa sa PAGASA, alas-10:00 ng umaga, ang sentro ni ‘Karding’ ay matatagpuan sa layong 175 kilometro east ng Infanta, Quezon, na may maximum sustained winds na 195 km/h malapit sa sentro at gustiness na aabot hanggang 240 km/h, at central pressure na 920 hPa.
Sa kasalukuyan, ang super typhoon ay kumikilos westward ng 20 km/h. Habang nagtataglay ito ng malakas hanggang sa tinatawag na typhoon-force winds na nag-e-extend palabas na aabot sa 290 km mula sa sentro.
“Karding will likely make landfall in the vicinity of the northern portion of Quezon or the southern portion of Aurora on Sunday night,” batay sa PAGASA.
Gayunman, pahayag pa ng state weather bureau, “The possibility of an earlier (afternoon) landfall or close approach in the vicinity of Polillo Islands is not ruled out.”





Comments