Signal No. 2 sa Isabela at 2 pang lugar dahil kay ‘Karding’
ni Lolet Abania | September 24, 2022

Itinaas na sa Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 2, ang buong bahagi ng Isabela at dalawa pang lugar sa bansa habang mas lumakas pa si ‘Karding’ na isa na ngayong severe tropical storm, ayon sa PAGASA.
Sa kanilang weather bulletin ngayong Sabado ng umaga, ang mga lugar na isinailalim sa TCWS No. 2 ay southeastern portion ng Isabela (Dinapigue); northern portion ng Aurora (Dinalungan, Casiguran, Dilasag); at Polillo Islands.
Habang itinaas naman sa TCWS No. 1 ang mga sumusunod na lugar:
• southern portion ng Cagayan (Peñablanca, Iguig, Tuguegarao City, Enrile, Solana, Tuao, Piat, Amulung, Rizal)
• ang natitirang bahagi ng Isabela
• Quirino
• Nueva Vizcaya
• southern portion ng Apayao (Conner)
• Abra
• Kalinga
• Mountain Province
• Ifugao
• Benguet
• southern portion ng Ilocos Norte (Nueva Era, Badoc, Pinili, Banna, City of Batac, Currimao, Paoay, Marcos)
• Ilocos Sur
• La Union
• Pangasinan
• ang natitirang bahagi ng Aurora
• Nueva Ecija
• Tarlac
• Bulacan
• Pampanga
• Zambales
• Bataan
• Metro Manila
• northern at central portions ng Quezon (Tagkawayan, Lopez, Guinayangan, Gumaca, Pitogo, Unisan, Agdangan, Padre Burgos, Pagbilao, City of Tayabas, Lucban, Sampaloc, Mauban, Atimonan, Plaridel, Perez, Alabat, Quezon, Calauag, Lucena City, General Nakar, Real, Infanta)
• Rizal
• Laguna
• Cavite
• northern portion ng Batangas (Malvar, Balete, City of Tanauan, Santo Tomas, Talisay, Laurel)
• Camarines Norte
• northern at eastern portions ng Camarines Sur (Del Gallego, Ragay, Lupi, Sipocot, Siruma, Tinambac, Goa, Lagonoy, Garchitorena, Caramoan, Presentacion, San Jose)
• northern portion ng Catanduanes (Pandan, Caramoran, Bagamanoc, Panganiban, Viga, Gigmoto).
Base sa latest track at intensity forecast ng bagyo, sinabi ng PAGASA na ang pinakamataas na TCWS na maaaring ilagay ay No. 4.
Alas-10:00 ng umaga, namataan ang sentro ni Karding na matatagpuan sa layong 660 km east southeast ng Tuguegarao City, Cagayan o 595 km east ng Casiguran, Aurora.
Ito ay may maximum sustained winds na 100 km/h malapit sa sentro, gustiness na aabot hanggang 125 km/h, at central pressure na 990 hPa.
Kumikilos ang Bagyong Karding sa west southwestward ng 25 km/h.
Ayon sa PAGASA, posibleng mag-landfall ang bagyo ng Linggo ng umaga o hapon sa Aurora o Isabela.
Gayundin, alas-8:00 ng umaga ngayong Sabado, mas lumakas pa si Karding na naging isa nang severe tropical storm.
“Karding is expected to further intensify into a typhoon prior to landfall over Central or Northern Luzon, and will highly likely remain a typhoon while crossing the landmass,” pahayag pa ng PAGASA.





Comments