top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

SIGAW NG TRANSGENDER NA MAY-ARI NG MISS U: CLINT, NAG-IILUSYON LANG

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 28, 2023
1 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | November 28, 2023





Hindi na talaga tumigil ang mga isyu sa Miss Universe dahil ultimong ang trans na may-ari nito ay may mga sarili ring usapin bukod sa mga iskandalo sa mismong organisasyon.


Recently nga ay nagparating ito kay Clint Bondad ng 'goodbye messages,' sort of tinatapos na nito ang anumang ugnayan sa hunk model. Medyo nakakatawa lang dahil si Clint ang mismong nag-post nito. Kung inyong matatandaan, si Clint ang hunk model na napabalitang "isa" umano sa mga 'boy toys' ni Anne Jakrajutatip.


Pero idinenay naman ito ng eksenadorang trans dahil kapatid o nakakatandang kuya ang turing niya rito, pati ng pamilya niya.


Halos isang taon ding tumira sa bahay ni Anne sa Thailand ang binata.


Very intriguing ang pagtawag ng "delusional" ni Anne kay Clint na pinagpayuhan pa ni Anne na mag-move forward na at ayusin ang buhay.


Hmmm... sa dami ng mga isyu sa Miss Universe, nag-evolve na nga rin ang mga tsismis dito dahil sa ganitong paraan yata ito nais i-promote ng naturang may-ari. Global nga naman lagi ang reach ng balita dahil kahit sa ibang bansa ay napag-uusapan sila.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page