Sigaw ng madlang pipol, lutooo! MICHELLE DEE, WAGING MISS U-PHILS. 2023
ni Ambet Nabus @Let's See |May 15, 2023

Ang daming bashers ng bagong hirang na Miss Universe-Philippines 2023 na si Michelle Dee.
Ang hirit pa nga ng mga bashers, cooking show daw ang beauty pageant dahil mas pinaboran ng mga judges ang artist ng GMA-7 kahit mas deserving daw si Miss Bohol.
Napanood namin ang nasabing coronation night at kokontrahin namin ang mga bashers sa grabe nilang pagpintas kay Michelle.
Very deserving si Michelle kung bibigyan natin ng bigat ang final round, lalo na ang last two questions na super-bongga niyang nasagot.
The wit, intelligence, sincerity, composure, content at brilliance, lahat 'yun ay napagtagumpayan ni Michelle para maiuwi ang korona.
Magaganda, magagaling rumampa at fabulous ang mga kasuotan ng mga kandidata, pero hindi rin naman nagpahuli si Michelle sa mga aspetong 'yun ng nasabing beauty pageant.
So, ano ang ikinukuda ng mga fantards diyan na 'yung gusto lang nilang makita ang tinitingnan nila sa isang kandidata?!
Ultimo 'yung pagkakabunot ng pangalan ni Cong. Sam Verzosa na nagtanong kay Michelle ay inintriga dahil dyowa raw ito ni Rhian Ramos na best friend ni Michelle.
Eh, napakalinaw namang random ang ginawang pagbunot sa mga judges na magtatanong sa mga kandidata at nakatupi pa nga ang mga papel na may pangalan ng mga ito.
Nakakaloka at wala talaga sa hulog ang mga ganu'ng klase ng mga supporters na lahat na lang ng bagay ay pinagdududahan at kinukuwestiyon.
Ang dapat siguro nilang gawin ay tawagin ang attention ng mga organizers na lalong i-improve ang production value ng pageant dahil hindi ganu'n kabongga ang press releases at marketing strategy nila sa Philippines, lalo't inimbitahan nila ang mga former Miss Universe winners at maging ang mga franchise owners nito. Nariyan pa nga si Jessica Sanchez and yet, talo pa sila ng mga barangay pageants.
Imagine, nagmanu-mano umano sila ng computation at pag-tally sa mga scores, kaya't after nilang i-announce ang Top 10, eh, biglang pinabalik ang Top 18, kung saan nga pinili ang pasok sa Top 5 and so on. Paano nangyari 'yun?! Kailangan nilang i-explain ito.
Pati tuloy ang mga hosts na sina Xian Lim at Alden Richards at isama na si 2019 Miss Universe Zozibini Tunzi ay nagmukhang shunga, lalo na si Xian sa pag-anunsiyo ng sinabi nilang technical difficulties sa computation ng mga scores.
Anyare sa accounting firm nila?!
Well, we simply hope na i-train nila nang husto si Michelle for the Miss Universe competition.
Sana, ang very proud nitong mother na si Melanie Marquez ay tumutok din sa pag-improve ng "pasarela" o lakad ni Michelle.





Comments