top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Sibakin ang mga buwaya sa BIR at Customs para makalikom ng pondo

BULGAR
Jul 14, 2022
1 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | July 14, 2022


DAGDAG-TAX ANG SOLUSYON NI SEC. DIOKNO PARA MAKALIKOM NG PONDO—Inirekomenda ni Finance Sec. Benjamin Diokno ang pagpapataw ng tax sa single-use plastics at online transactions upang magkaroon ng dagdag-buwis ang pamahalaan sa serbisyo-publiko.


Hay naku, kung makaporma si Sec. Diokno akala mo pagkagaling na ekonomista, 'yun pala ang gagawin nitong diskarte para makalikom ng dagdag-pondo ay dagdag-pahirap na tax!


◘◘◘


PARA MAKALIKOM NG PONDO, SIBAKIN ANG MGA BUWAYA SA BIR AT CUSTOMS—Kapag natuloy ang mungkahi ni Sec. Diokno na magpataw ng tax sa single-use plastics at online transactions ay mamamayan ang tatamaan dito.


Dapat burahin na ni Sec. Diokno sa kanyang isipan ang pagpapataw ng tax at ang dapat niyang gawin ay sibakin ang mga buwaya sa Bureau of Internal Revenue) at Bureau of Customs), sa totoo lang, matagal nang panahon na ang tax na dapat napupunta sa pamahalaan ay sa bulsa ng mga kurakot sa dalawang ahensyang ito napupunta.



Ganyan ang dapat gawin ni Sec. Diokno at hindi 'yung dagdag-tax ang solusyon niya para makalikom ng pondo ang pamahalaan!


◘◘◘


SANA MAKAHANAP AGAD NG PONDO ANG DOTR PARA TULUY-TULOY ANG LIBRENG BUS CAROUSEL SA EDSA—Nangangailangan ngayon ang Dept. of Transportation ng P1.4 billion para maipagpatuloy ang libreng sakay sa mga bus carousel sa EDSA.


Sana, makahagilap agad ng pondo lalo na't sobrang taas na ng presyo ng mga bilihin at bayarin ngayon, na 'ika nga, makalibre lang sa pamasahe sa EDSA bus carousel ay malaking bagay na sa mga pasahero.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page