top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Si Pacman ang pambato ng PDP-Laban sa 2022 presidential election, hindi si Mayor Sara?!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 5, 2020
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | December 5, 2020



NGAYONG KAPASKUHAN, MILYUN-MILYON ANG JOBLESS—Sa inilabas na data ng Philippine Statistics Authority (PSA), nitong Oct. 2020 ay pumalo na raw sa higit 3.8 milyong Pinoy ang nawalan ng trabaho o jobless ngayon dahil sa krisis na dulot ng COVID-19 pandemic.


Bad news ‘yan kasi nakikini-kinita natin na milyun-milyong Pinoy ang magpa-Paskong-tuyo sa Dec. 25, 2020, tsk-tsk-tsk!


◘◘◘


SA SOBRANG MAHAL NG BILIHIN, BAKA HINDI NA MAKABILI NG PANG-NOCHE BUENA ANG MGA PINOY—Tumaas ng 3.3% ang inflation rate o presyo ng mga bilihin sa bansa.


Kung ganu’n, hindi lang pala ang milyun-milyong jobless Pinoy ang apektado ngayong panahon ng Kapaskuhan kasi baka pati ang mga may work, hindi na makabili ng panghanda sa Noche-Buena, saklap!


◘◘◘


IMBES NA LUTASIN ANG KAHIRAPAN, DRUG WAR ANG IBINIDA NI P-DUTERTE—Sa kabila na milyun-milyong Pinoy na ang nawalan ng work at sobrang taas pa ng presyo ng mga bilihin, nang humarap sa publiko si P-Duterte, ang idinaldal niya ay ang tungkol sa kanyang “drug war.”


Sa totoo lang, puwede namang pagsabayin ni P-Duterte ang kanyang drug war at paglutas sa kawalan ng hanapbuhay at pagpapababa sa presyo ng mga bilihin, pero ang nakalulungkot ay walang sinabi ang Pangulo kung paano lulutasin ang kahirapan ng mamamayan, kundi ang ibinida niya sa publiko ay ang kanyang “war on drugs,” boom!


◘◘◘


SI PACMAN ANG PAMBATO NG PDP-LABAN SA 2022 PRESIDENTIAL ELECTION, HINDI SI MAYOR SARA DUTERTE?—Hinirang na ng kanyang kapartido si Sen. Manny Pacquiao bilang bagong Pangulo o bossing ng PDP-Laban na partido rin ni P-Duterte.


Sa isyung ito, si Pacman na yata ang mamanukin ng PDP-Laban sa 2022 presidente election at hindi ang anak ng Pangulo na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, abangan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page