"Short ang preparation pero ang tamis ng c'ship"
- BULGAR

- 1 day ago
- 2 min read
by Gerard Arce @Sports News | July 28, 2026

Photo: Ang individual awardees (mula kaliwa) na sina Althea Botor ng Enderun-Best Outside Hitter, Best Middle Blocker ng CSB si Fionna Inocentes, Best Opposite Spiker (Ho Chi Minh Club - Le Thi Diem, habang si Angeline Poyos ang MVP, Best Libero si Mila Smith ng Melbourne, Best Setter si Hikzi Florez ng Letran habang nagkampeon ang UST Golden Tigresses laban sa CSB Blazers sa pagtatapos ng Shakey's Super League National Invitationals Rising Stars, Elite Talent, Global Stage FilOil EcoOil Center, San Juan City. (Reymundo Nillama)
May 16-taon ang nakalilipas mula ng matikman ni Cesael “Shaq” Delos Santos ang kampeonato sa collegiate league, higit na sa UST Golden Tigresses – kaya't nalasap ang tamis ng kampeonato – matapos dalhin sa undefeated winning streak ang Espana-based lady squad sa 2026 Shakey’s Collegiate National Invitationals.
“Sarap pala mag-champion. Nakalimutan ko na eh. Ganun pala ‘yung pakiramdam na nagtsa-champion. Sobrang thank you kay Lord kasi ‘yung opportunity na makuha namin yung championship this tournament even though short time lang ng tournament na 'to, sobrang laki para sa amin,” pahayag ni Delos Santos, na huling nadala sa kampeonato ang UST noong UAAP season 72, taong 2010.

Sunod na pagtutuunan ng UST ang kumpletuhin ang pangwawalis sa titulo sa pagbabalik-aksyon sa Shakey’s Super League (SSL) Preseason Unity Cup sa Setyembre. Planong higitan ng UST ang runner-up finish noong isang taon sa likod ng four-time champions na NU Lady Bulldogs.
“Sabi ko nga medyo short ‘yung preparation namin, but ang good thing kasi ‘yung response din ng players and also coaches sa sistema na ina-adjust namin. I think ‘yun ‘yung malaking bagay. Good thing dito, nakita rin namin kung ano pa ‘yung mga kailangan naming i-improve. Sobrang dami pa naming kailangang ayusin,” paliwanag ni Delos Santos.

%20-%20JAMES%2C%20NAWALAN%20NG%20P150%20M%20DAHIL%20SA%20TIWALA%20SA%20KASOSYO%20SA%20NEGOSYO-IG%20_.jpg)



Comments