top of page

Shocked sa babayarang tax, pumalag sa socmed… CARLA: KORUPSIYON SA ‘PINAS, TO THE HIGHEST LEVEL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 18
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | July 18, 2025



Image: Carla Abellana - IG


Ang tapang ng post ni Carla Abellana na, “Welcome to the Philippines where corruption is top tier.” 


May kinalaman ang post ng aktres sa tax assessment at kasamang ipinost ang usapan nila ng hindi binanggit kung sino at pinag-usapan ang babayaran niyang tax sa kanyang property na may kalakihan. 


Tama ba kaming amilyar ng bahay ang pinag-uusapan ni Carla at ng kausap niya?

Kinu-question ng aktres kung para saan ang 60 percent na sinisingil sa kanya. 


Aniya, “Why is the assessment level at 60%? Says who? Who chose that percentage?!? And tax rate is 2.5%? Why?”


Dagdag pang post ni Carla, “What do I do with a predicament like this when corruption is being done right smack on your face?”


May mga pumuri sa katapangan ni Carla sa pagpo-post ng ganito na ngayong na-expose, tiyak na may imbestigasyong mangyayari. 


Gaya ng post niya sa PrimeWater at Converge, nalaman ang mga problema at marami ang naaapektuhan.


May nagpaalala lang kay Carla ng “Be careful, protect yourself from dangerous corrupt people. They are dirty and desperate.”


Wala pang follow-up si Carla tungkol dito, abangan natin at tiyak na may update siya para roon sa mga interesadong malaman kung nagbayad ba siya sa hinihinging amount.

Kung may mga nagpapasalamat kay Carla dahil sa mga posts niya, may mga negative rin ang dating. Hanash lang daw ang ginagawa nito at nagpapapansin, bagay na ipinag-react ng mga naka-relate sa mga problemang hinaharap niya.


Barbie, may Jameson…

DAVID, MAY GF DAW SA AUSTRALIA


SABI ng mga fans nina Barbie Forteza at David Licauco, quits daw ang dalawa dahil kung nali-link si Barbie kay Jameson Blake, may non-showbiz girlfriend naman daw si David. Kaya wala raw dapat ireklamo ang kani-kanyang fans na sinisira ng dalawa ang kanilang BarDa (Barbie at David) love team.


May mga nagalit kasi kay Barbie nang lumabas ang mga photos ng holding hands nila ni Jameson tuwing may fun run. Dalawang fun runs na ang tinakbuhan ng dalawa at laging may eksenang holding hands sila. Sa huling fun run nga, may photo pa na nakaakbay si Jameson kay Barbie.


Kahit pareho nilang itinanggi na may something na namamagitan sa kanila, ayaw pa ring pakampante ang BarDa fans at aabangan nila ang mga events na present sina Barbie at Jameson. 


Hindi na sila naniniwalang ‘fan service’ o FS na lang ang ginagawa nila para sa Netflix project nilang Kontrabida Academy (KA).


As for David, may non-showbiz GF daw ito na based in Australia at kaya roon nag-celebrate ng birthday ang aktor para makasama ang nobya. 

Nag-aaway-away na ang mga fans nina Barbie at David sa pagtatanggol sa dalawa at labasan ng ebidensiya at magugulat ka sa dami ng alam nila.


Mabuti at hindi pa nali-link si Barbie kay Sam Concepcion na kasama niya sa Beauty Empire (BE). Mabuti rin na wala siyang love interest sa P77 dahil baka maging isyu rin sila, lalo at malapit na ang showing ng movie.


Kahit ‘di nanalo…

SHUVEE, TAOB ANG MGA PBBCCE BIG WINNERS SA DAMI NG ENDORSEMENTS


KUNG paramihan ng endorsement sa katatapos lang na reality show ng mga Pinoy Big Brother (PBB) housemates, lumalabas na panalo si Shuvee Etrata kahit hindi siya nanalo. Na-evict pa nga ito at hindi nakasama sa Big 4.


Dapat, 1 week siyang guest co-host sa It’s Showtime (IS) pero absent siya last Wednesday dahil may TVC shoot for a denim brand na endorser siya. 


Kahapon, may event ang Sparkle para sa kanilang housemates and this Friday, hindi rin siya makakapag-report sa IS dahil may contract signing siya for the denim na ine-endorse.


Bukas na siya makakabalik sa noontime show at tiyak na bibiruin siya ni Vice Ganda nito dahil hindi sinipot ang show. 

Nagbibiruan nga ang mga fans ni Shuvee na pinag-aagawan siya ng Unang Hirit (UH), IS at Pinas Sarap (PS).


Samantala, after Sang’gre, mas malaki na ang role ni Shuvee sa susunod niyang series sa GMA. Magkasama sila ni Charlie Fleming sa pagbibidahang drama series ni Dingdong Dantes na Master Cutter (MC)


Kasunod nito, may pelikula na si Shuvee Etrata, na pangako ng mga fans, susuportahan nila.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page