Shocked na laglag sa Top 16 ng Miss U… KIM, TODO-PROTESTA, HUNGER STRIKE PA SA PAGKATALO NI CELESTE
- BULGAR
- Jan 16, 2023
- 1 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | January 16, 2023

Maging si Kim Chiu ay nalungkot at hindi rin makapaniwala na nabigong makapasok sa Top 16 ng 71st Miss Universe ang Philippine bet na si Celeste Cortesi.
Obviously ay tinutukan din ni Kim ang Miss U pageant kahapon at siyempre ay cheering for Celeste rin ang aktres na bago pa man ang coronation night ay sinasabing napakalakas ng laban para masungkit ang korona.
Kaya naman nang malaglag na si Celeste sa Top 16 ay napakaraming nagulat kabilang na nga si Kim.
“Totoo ba?!!!!!” ang unang tweet ni Kim with matching ‘face screaming in fear’ emojis.
Sumunod na tweet niya, “UNIVERSE BAKIT?!!!!!!!!! Wala kakain!!!! Wala!!!!!!!!"
Gayunpaman ay nagawa pa rin namang batiin ni Kim si Celeste for giving her best.
“Congrats Celeste!!!!! Ang ganda ng nilaban mo for Philippines! Laos neighbor, ilaban mo na lang kami and ACHI Canada, ilaban mo kami bilang malapit na ang Chinese New Year,” aniya.
Bandang huli ay nag-cheer na lang si Kim kina Miss USA, Miss Spain and Miss Dominican Republic.
“USA and Spain, lumaban kayo! Pero keri rin si Dominican Republic!!!! Pero 'di pa rin ako maka-get-over!” ani Kim.
For sure ay nabawasan naman ang pagkalungkot ni Kim dahil ang bet niyang si Miss USA na si R’Bonney Gabriel na isang Filipino-American ang hinirang na Miss Universe 2022.
Second runner-up naman ang isa pa niyang manok na si Miss Dominican Republic Andreina Martinez.





Comments