top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Shining Vic, Kumislap sa Commissioner's Cup

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 23, 2022
2 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | February 23, 2022

Kuminang si Shining Vic matapos manalo sa 2022 PHILRACOM "Commissioner's Cup" Division II na inilarga sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite, Linggo ng hapon.


Impresibo ang ipinakitang tikas ni Shining Vic na ginabayan ni jockey AR Villegas, hinayaan nitong umalagwa ng malayo ang matutulin sa largahan na sina Flattering You, Arrabiata at Batang Cabrera


Ipinuwesto sa pang-anim ang anak nina champion horse Ibarra at Cleave Hill (USA) na si Shining Vic, pinanood lamang ni Villegas ang nasa unahang si Flattering You.


Subalit habang papalapit sa far turn ay unti-unting umuusad papuntang unahan si Shining Vic at pagpasok ng huling kurbada ay kuha na ng winning horse ang unahan.


"Napakahusay ni Shining Vic, impresibo rin ang pagdadala ni Villegas pang stakes race ang itinakbo ni Shining Vic," saad ni Reynaldo Celeste, karerista.


Tinawid ni Shining Vic ang meta ng may anim na kabayong agwat sa nasegundong si Isla Puting Bato, ang event ay suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Inilista ni Shining Vic ang tiyempong 1:40.6 minuto sa 1,600 meter race sapat upang hamigin ang P450,000, kinubra ni Isla Puting Bato ang P150,000 habang ang third at fourth placers na sina Victorious Colt at Batang Cabrera ay nag-uwi ng tig-P75,000 at P37,500 ayon sa pagkakasunod.


Samantala, pitong karera ang inihain ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Miyerkoles kaya tiyak na masisiyahan ang paglilibang ng mga karerista.


Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1. Born To Run (2), Spuntastic (3)

Race 2. Prince Uno (3), Giaann Tsie (8), Bitcoin (6)

Race 3. Dragon Butterfly (2), Charm Campaign (5)

Race 4. Bunso (6), Awesome Cole (7), Antique Collector (1)

Race 5. Rockstar Show (2), Candid Moment (1), Sky Dancer (6)

Race 6. Buwayang Bato (1), Born In April (5)

Race 7. Happy Go Lucky (5), Caraga Wonder (10), Smiling Lady (13)

Patok - Dragon Butterfly,

Pandehado - Buwayang Bato.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page