Shanghai Sheikh, Sky Candy, kikilatisin
ni Green Lantern - @Renda at Latigo | January 19, 2022
Tiyak na mapapalaban si Shanghai Sheikh sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na ilalarga sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite ngayong araw.
Gagabayan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey-of-the-Year awardee Jessie B. Guce, makakatagisan ng bilis ni Shanghai Sheikh ang walo pang tigsing kalahok sa distansiyang 1,400 meter race.
Mapapalaban si Shanghai Sheikh kina Ambisioso, Rhaegal, Big Berha, Phenom, Bucsgrande Island, Stripe Of Pink at magkakamping Iikot Lang at Kiss Muna.
"Magagandang laban 'yan, sigurado masarap panoorin ang bakbakan nila," ani Francisco Villanueva, karerista.
Hahamigin ng winning horse owner ang added prize na P5,000, ang nasabing event ay suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
Aabangan naman ng mga liyamdista ang pagtakbo ni Sky Candy sa Condition Race (17) na pakakawalan sa pang-limang karera.
Matapos ang isang linggong pagkatengga ng bakbakan sa karerahan ay balik aksyon muli ang mga tigasing kabayo sa pista.
Sasakyan din ni JB Guce si Sky Candy, kikilatisin siya nina Wether Lang, Bomod Ok Falls, Eugene Onegin, Sari Baby at Refuse To Lose.
Inaasahang magiging liyamado sa laban si Sky Candy sa event na may habang 1,400 meter race.
Samantala, pitong balanseng karera ang inihain ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI) ngayong araw ng Miyerkoles.





Comments