top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Shanghai noon, matulin sa Metro Turf, Tanauan

BULGAR
Apr 18, 2022
1 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | April 18, 2022


Sinisiw ni Shanghai Noon ang mga katunggali matapos angkinin ang panalo sa Condition Race (18) na nilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas, kahapon.


Sinakyan ni IL Aguila, nagmasid sa bandang likuran si Shanghai Noon habang nasa unahan si A.P. Factor na umarangkada ng matulin sa largahan, nasa pangalawa naman si Top Czar.


Pagsapit ng far turn ay lumapit na si Shanghai Noon sa unahan at sa home turn ay nakipanabayan na ito kay A.P. Factor.


Sa huling 100 metro ng laban ay inagaw na ni Shanghai Noon ang unahan at tumawid na ito sa meta ng may isang kabayo ang agwat sa pumangalawang si A.P. Factor.


Inirehistro ni Shanghai Noon ang 1:25 minuto sa 1,400 meter race, terserong tumawid sa meta si Top Czar.


Samantala, nasilayan ang tikas ni Sekretong Malupit nang manalo sa PHILRACOM Rating based Handicapping System na inilarga sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite noong Sabado ng hapon.


Ginabayan ni JA Guce, ipinuwesto nito si Sekretong Malupit sa bandang likuran paglabas ng aparato habang hawak ng matulin sa largahan na si Correct Ka Dyan ang unahan.


Pagsapit ng far turn ay unti-unting lumapit ang winning horse at pagsapit ng rektahan ay nakuha na ni Sekretong Malupit ang unahan.


Inilista ni Sekretong Malupit ang impresibong 1:22 .6 minuto sa 1,300 meter race sapat upang hamigin ni horse Owner LM Javier Jr. ang premyong P40,000 na inisponsoran ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM). Dumating na segundo si Gernsan Special, tersero si Correct Ka Dyan habang pumang-apat si Mabalor.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page