Shades no more?! RANDY, NAOPERAHAN NA SA 2 MATA

ni Beth Gelena @Bulgary | September 25, 2026

Photo: Randy Santiago - IG
Kung may isang bagay na matagal nang naging bahagi ng image ni Randy Santiago bilang artista at TV host, bukod sa kanyang malalim na boses at husay sa pagpapatawa, iyon ay ang kanyang shades.
Sa loob ng maraming taon sa showbiz, nakasanayan na ng publiko na makita si Randy na laging may suot na salamin, kaya naging bahagi na rin ito ng kanyang iconic look.
Kaya napansin ang kanyang bagong health update matapos niyang ibahagi na sumailalim siya sa cataract surgery sa University of Santo Tomas (UST) Hospital.
Ayon kay Randy, isinagawa ang procedure sa bagong bukas na wing ng Eye Institute ng UST Hospital.
Sa kanyang post, maikli niyang ibinahagi ang naging karanasan sa operasyon at binanggit ang ilan sa mga doktor at nurse na nag-alaga sa kanya.
Kabilang dito ang kanyang ophthalmologist na si Dr. Rollo C. Milante, na pinasalamatan niya para sa ‘very smooth and fast procedure’. Nagbigay din siya ng pagkilala sa medical team, kabilang ang kanyang anesthesiologist na si Dr. Zaldy L. Ong, at pinasalamatan si Dr. Elvis Llarena para sa follow-up at suporta, gayundin si Dr. Rosita Milante na nagsagawa ng kanyang postoperative checkup.
Ang bagong procedure ay kasunod ng nauna niyang cataract operation sa kanyang kaliwang mata na isinagawa rin sa UST Hospital Eye Center isang taon na ang nakararaan.
Sa tagal ni Randy sa industriya, hindi na maihihiwalay sa showbiz image ang kanyang shades. Kaya ngayong parehong mata na ang naoperahan, mapapaisip ang kanyang mga tagahanga kung mas madalas na nilang makikita ang mga mata ni Randy na matagal nang nagtatago sa likod ng kanyang signature shades.
Well, malalaman natin ‘yan kapag muling lumabas sa stage ang singer/actor/director.
‘Wag daw gamitin sa pulitika…
BAM, PROUD NA FAN NG SB19, PINALAGAN NG ILANG A'TIN

BINI PH at si Bam Aquino - FB
TODO-FLEX si Sen. Bam Aquino ng kanyang tumbler na merch (merchandise) from SB19, na agad namang napansin ng ilang netizens sa social media.
Agad na nagkaroon ng biruan at tanungan sa ilang fans kung isa rin bang A’TIN, o fan ng SB19 ang matagal nang mambabatas.
May mga netizens na naniniwalang posibleng fan nga siya, lalo na’t para sa ilan, hindi naman basta-basta bumibili ng merch ng SB19 ang isang tao.
Sey ng isang fan, “I am a fan of SB19 pero ‘di ako bumibili ng merch. Para sa ‘kin, ang bumibili ng merchs ay diehard fan, so I can assume na A’TIN si Sen. Bam. And okay naman s’yang senador.”
May ilan namang nagpaalala na hindi dapat awtomatikong iugnay ang paggamit ng SB19 merchandise sa pagpili ng kandidato o sa pagiging mahusay na pulitiko.

BINI sa Senate of the Philippines
Sabi ng netizen, “Excuse me, ‘di porke't gumagamit ng tumbler ng SB19 ay A’TIN na. At ‘di porke’t A’TIN, ibig sabihin, magaling na pulitiko. Maging matalino at mautak sa pagboto, maraming gagamit sa SB19 in the future dahil alam nilang malakas sa tao. I’ve nothing against sa pulitikong ‘to, pero please lang, ‘wag na i-associate ang SB19 sa mga ganyan.”
May netizen ding nagbigay ng sariling opinyon na maaaring bahagi lamang ito ng pagiging relatable ni senador sa mga kabataan.
Sey nito, “Medyo may pagka-youth advocate kasi s’ya, kaya medyo sumasabay sa trend.”
May mga nabanggit ding artistang sinusuportahan umano ng senador, kabilang sina Maki, COJ at BINI, bilang patunay na hindi lamang SB19 ang napapansin niyang mga bagong artists.
Samantala, may mga A’TIN ding nagsabing wala naman silang nakikitang masama kung supporter ng SB19 ang pulitiko.
“Support naman s’ya sa boys, dati pa. Pero I don’t think na binili n’ya ‘yan. Malamang ay bigay lang sa kanya ‘yan at s’yempre, ginagamit n’ya kesa naman bumili pa s’ya ng tumbler na iba. Eh, di gamitin ang bigay.”
May isa pang komento na diretsahang pabirong nagsabi, “Lowkey flexing kasi s’ya!”





Comments