top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Sgt. Nuezca, baka magbaliw-baliwan para makalusot sa kaso

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 23, 2020
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | December 23, 2020



SABLAY ANG PAYO NI GEN. SINAS—Sa viral video ay kitang-kita ang brutal na pagpatay ni P/Sgt. Jonel Nuezca ng Parañaque City police sa mag-inang hindi naman nanlalaban sa Tarlac, pero ang payo ni PNP Chief Gen. Debold Sinas sa publiko ay huwag mag-video sa ganung eksena dahil delikado raw.


Sablay ang payo na ‘yan ni Gen. Sinas kasi kung hindi dahil sa video, malamang ay makalusot sa kaso si Nuezca, puwede niyang palabasing nanlaban at taniman ng ebidensiyang boga at shabu ang mga biktima, period!


◘◘◘


KUNG MAY TOPAK, BAKA MAKALUSOT SA KASONG DOUBLE MURDER SI SGT. NUEZCA—Sabi ni P-Duterte, mukhang may topak daw si Sgt. Nuezca kaya nagawa nitong patayin ang mag-inang biktima, na pinatay sa mismong harap ng kanyang anak, at pagkaraan niyan ay sinabi ni Lt. Col. Noriel Rombaoa, hepe ng Paniqui, Tarlac na pasusuri raw nila ang utak nito kapag may nakita silang kakaibang kilos sa selda.


Naku, baka ang gawin ni Nuezca ay magbaliw-baliwan para makalusot sa double murder case, tsk-tsk-tsk!


◘◘◘


MAY MGA GUSTONG MAGKA-KICKBACK SA PAGBILI NG BAKUNA?—May duda ang ilang senador na may mga opisyal ng gobyerno na gustong magka-kickback sa pagbili ng bakunang pangontra sa virus kaya mas pinagpipilitang bilhin ang mahal na bakunang Sinovac na gawang China, kaysa sa murang bakunang Pfizer na gawang Amerika.


Aba, kung totoo ito ay bad ‘yun kasi marami ng namatay sa virus, marami ang nagka-virus, naghirap, nawalan ng trabaho at nagutom, tapos ang nasa utak ng mga alipores ni P-Duterte ngayong pandemya ay kickback? Buwisit!


◘◘◘


P-DUTERTE, “SINALTIK” NI PACMAN—Nanawagan si Sen. Manny Pacquiao kay P-Duterte na sibakin na sa puwesto si DOH Sec. Francisco Duque III para raw maibsan ang hinanaing ng mamamayan na matagal nang nananawagan sa pangulo na patalsikin na ito sa posisyon.


Kung susuriin ang sinabi ni Pacman, parang sinaltik na nito si P-Duterte sa pagtatanggol kay Duque kasi parang sinabihan nito ang Pangulo na makinig sa panawagan ng mamamayan, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page