top of page
TEKA NGA - MANONG CHAVIT, UMAMING NAUUBOS ANG DATUNG SA MGA BEAUTY QUEENS-FB Luis Chavit S

SGA ipaparada si 7'4 Boban sa 45th William Jones Cup

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 13
2 min read

ni Anthony Servinio @Sports | August 13, 2026



 TAMPOK sa lingguhang PSA Forum sa RMSC ang pagdalo ng nagkampeon sa katatapos na  FIBA 3x3 Nations League 2026 Asia-2 Conference sa Petaling Jaya, Malaysia Gilas Pilipinas U21 Boys team na sina JJ Espanola Coach, Koji Buenaflor player, Earl Molina player, Jhonel Delarama player kasama sina SBP program director Ryan Gregorio at Erika Dy.

Photo: Ipaparada ng Strong Athletics SGA Pilipinas ang higanteng '7'4 mula sa Serbia na si dating NBA center Boban Marjanović sa William Jones Cup.



Laro ngayong Biyernes - Xinzhuang 1:00 PM SGA vs. Wonju


Puntirya ng Strong Group Athletics ng Pilipinas ang bihirang 3-peat o 3 kampeonato sa Jones Cup sa pagbubukas ng ika-45 edisyon ngayong Biyernes sa Xinzhuang Gym, New Taipei City.


Unang hahamon sa kampeon ang Wonju DB Promy ng Korean Basketball League. Pangungunahan ang SGA ng beterano ng NBA 7'4" Boban Marjanovic ng Serbia at mga kapwa import 6'9" Tajuan Agee ng Amerika at 6'7" Isaiah Pineiro ng Puerto Rico.


Ang mga Pinoy ay ang magkapatid na Dave at Shaun Ildefonso, Matthew Wright, William Navarro, Jonathan Manalili, DJ Fenner, Remy Martin at Malick Diouf. Nabunot ang Pinoy club sa Grupo A at maglalaro ng anim na beses.


Matapos ang Wonju ay haharapin nila ang Japan (Agosto 15) at host Chinese-Taipei Blue (16) bago ulitin ang Japan (18), Wonju (19) at CT Blue (20). Nasa Grupo B ang 2023 kampeon University of California-Irvine Anteaters, Malaysia, Jordan at Chinese-Taipei White.


Ang unang dalawa sa bawat grupo ay magtatagisan sa crossover knockout semifinals at finals sa bagong patakaran ng kompetisyon ngayong taon kumpara sa nakasanayang single round at kampeon agad ang may pinakamataas na kartada. Pangungunahan ang Wongju ng 2024 KBL MVP kabayan Ethan Alvano.


Tatlong beses sila nag-kampeon sa KBL noong 2003, 2005 at 2008. Ang Iran ang natatanging may tatlong sunod na kampeonato mula 2009 hanggang 2011. Nanaig ng limang sunod ang magkakaibang kinatawan ng Estados Unidos mula 1991 hanggang 1995 at tatlo mula 1982 hanggang 1984.


Naghari ang mga koponang Pinoy noong 1981, 1985, 1998, 2012, 2016, 2019, 2024 at 2025. Ang Pilipinas na may walo ang pangalawang pinakamatagumpay sa likod ng USA na may 16.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page